Friday, April 6, 2012

Horoscope

You are beating yourself up lately and that's not a good idea. Whatever you do, don't call a relative who has made a hobby of indiscriminately pressing your hot buttons. You won't have a lot of patience or tolerance for unfair criticism right now, but you won't feel like fighting either.
Kahit naiinis/nanggigigil na 'ko, I know that it's better to keep my mouth shut.. for now. Haha.

Wednesday, April 4, 2012

University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga


Naaalala ko dati, mga ganitong panahon palang nagsesearch na ko about UPDEPP. Kung anu-ano pa ang tinatype kong keywords. Naghahanap kasi ko nun ng background kung ano ang pwedeng maging buhay ko sa UP. Wala ako masyadong makitang blog tungkol sa experience nila dito. Kaya naman para sa mga incoming freshmen jan na nacucurious sa ating eskwelahan, naisipan kong gumawa ng pahapyaw na tips/info tungkol sa UPDEPP.

Keywords (para sure na masearch ng Google ‘tong post): UP Clark, UP San Fernando, University of the Philippines Diliman Extension Program in Pampanga, UPEPP, UPDEPP.

Facilities
Sa ngayon, maliit palang ang “campus” natin. Actually, isang building lang siya at may kalumaan na din. Ginagawa pa kasi ung magiging main campus natin. Kaso nga lang, hirap makakuha ng budget sa ating ‘mother’ campus kaya di pa matapus-tapos.

Rooms 1-15 ang pinagka-klase-han dito. Pero pwede rin tayong magklase sa AVR, sa Conference room, at saka sa Gym.

May wifi sa Library ng school. Pati sa Lobby pwede kang magconnect para may saksakan ng charger. Pero based on experience, mas malakas ang connection sa Conference Room. Mas mabilis pa kaysa sa Lib. Kaso nga lang hindi open ang conference room unless may klase dun. Usually, ung mga subjects under kay Ma’am Sebastian ang gumagamit nun.   

Tambayan- Sa bandang likod ng school, may makikita kang mga kubo. Pero wait lang, wag masyadong excited at pumunta dun. Ang mga orgs/confrats kasi ang may-ari nun. Pwede namang umupo kaso ung iba yata binabawal pag di ka pa member. Dun nalang muna tumambay sa “flints”. Ito ung sa bandang likod ng school malapit sa gym.

Karamihan sa mga nakapasa sa UPDEPP, may planong lumipat sa Diliman after ng first year. Plano ko rin yan...dati. Meron namang nakakalipat. Marami ring hinde. Ang tip ko lang sa mga may planong lumipat sa Diliman, wag kayong mag BM. Depende rin un sa inyo syempre, kaso BM students ang kadalasang nahihirapan sa pagtransfer. No offense pero mas ok kung mag-AppliedPsych nalang muna. GE courses ang kinukuha sa first year kaso di tulad sa Diliman na inu-UNO lang ang GE, dito pasalamat ka na sa tres. Parang major din kasi pero keri lang.

Sa subjects, mamimili ka kung anung block ang gusto mo. Pareho lang naman ng subjects bawat course, magkaiba lang ng sched. Pwede rin namang magfree-sched (ikaw mamimili ng mga itetake mo). Pero mas masaya kapag may blockmates ka (Wanbeh<3).

Dorm- Merong ginagawang girl’s dorm sa permanent site natin. Sa likod ng Puregold. Hopefully this year magamit na. Pero sa ngayon, tiis-tiis munang magrent malapit sa maingate. Mga nasa 1k-4k per month ang magagastos depende sa mahahanap mo. Ang kagandahan(?) lang malapit sa SM. Walking distance lang kung may mga kailangan ka. Kaso walking distance lang din ang layo sa paggastos. XD

Okey. Dahil ako ay forever tamad, hanggang dito nalang muna ‘to. Ciao! J