Sunday, March 11, 2012

Seems Legit..

From the day of your birth, you have to work hard to succeed.. #true

Thursday, March 1, 2012

Thanatophobia


Lahat ng tao may Thanatophobia—fear of death. More likely kasi hindi natin alam kung ano nga ba ang totoong nangyayari pagkataos mong mamatay. Totoo bang may impyerno at pugatoryo? Nagsstay pa ba dito ang mga kaluluwa? Eto ang maituturing na pinakamahirap malaman na tanong. Kase haler, hindi naman pwedeng mamatay ka ng ilang buwan tapos ikwento mo ung mga nangyari sayo nun( unless may magic ka, harhar).

So bakit nga ba ako nagbablog about death? Pakiramdam ko kasi maaga kong mamamatay. Wag naman po sana. Nung una, ayoko pang mag-post ng ganito. Baka nga kasi, akalain ehh ready na kong mamatay. Far from it. Takot na takot nga eh. Pero mas ok ng ready. At least nakaready ‘to. Chos!

O basta, ganito ang mga gusto ko sana:

Sa estado ko ngayon:
·         Syempre, ipaalam sa mga kaibigan ko ung pagkamatay. (ayokong maglagay ng ‘ko’)
Lalo na ung mga nasa chat box ko sa FB. Ung parang ‘favorites’ .
·         As of now, ok na sakin ung pinakamurang kabaong.
·         Sa burol, gusto ko ung mga favorite kong kanta, ipatugtog. Pero wag naman ung rock. Baka iba sabihin nung mga bisita. Marami namang emo sa playlist ko sa phone at netbook.
·         Ayun, ung gadgets ko, wag nyung itatapon. Gamitin niyo. Wag kayong mag-alala, hindi ako magagalit unless masira niyo. Whahaha.
·         Ung mga damit ko,,ahmmm,, pamigay nalang.
·         Pabuksan ung FB ko, ung password niya nasa YMail ko.
·         Pabaon ng chocolate. :D. Isang Snickers lang, solb na. XD
·         Ung make-up sakin, gusto ko pang prom/party, hehe
·         Sa suot, white dress. Taz palagay ng sablay na parang sa UP. :D

Pag mayaman na ko:
·         Halos ganun pa rin, pero gusto ko maganda naman ung kabaong.
·         May chocolate fountain sa kainan.
·         Sagot ang pamasahe ng mga kaibigan ko na malalayo. J

Langya. Parang party lang ahh. Hops na nga. Nakakatakot. God, hindi pa po ako ready wah. Labyou! :D 

What to do? What to do?


Why do I find it hard to say 'NO'?  Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Nabuksan na naman siya. Bakit?! Bakit ba hindi ako makatanggi ng diretso? Lagi nalang 'susubukan ko'..

 Marami narin akong desisyon na nagawa na pinagsisihan ko. Minsan may nagtanong sakin  kung bakit ko ginawa 'yon o kung bakit ako pumayag. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bakit nga ba ako pumayag? Siguro, naaawa ako. Hayy. Ewan. Depende sa sitwasyon. Tinanong niya ko ulet, "Hindi ka makatanggi noh?". Napatango nalang ako. .

Bakit nga ba? Bakit nga ba ganito 'ko? Hindi lang siya dahil gusto kong magconform ehh. Iba. Iba ang pakiramdam. Siguro ayokong may taong nalulungkot o narereject kapag tumanggi ako sa isang bagay. I'm not referring to mundane things like food, alcohol, etc. Mas malalim dun ang mga tinutukoy kong bagay. Pero i-clarify ko lang, marunong naman akong pumili kung ano ang dapat tanggihan. Lalo na ung mga bagay na makakasama sakin. Kaso pa’no naman ung mga bagay na neuutral lang o parehas ang epekto? Parehas na mabuti at masama? Yan ang mga bagay na hirap akong tanggihan. Nakakainis lang kasi nagiging weakness ko siya to the point na nagcocommit ako sa isang bagay kahit wala naman ung puso ko din. Aahayy! Ewan!

Am I jealous?


Nagseselos ba ko? No. Unang-una wala akong karapatan. Pero kung ise-set aside ung mga ganyang factors {karapatan chorva}, hindi pa rin.

Nagselos ba ko? Siguro. Siguro nung una pero ok lang kasi hindi naman ako seryoso dun. Haler! Crush lang naman. Hindi pa nga ung tunay na crush ehh. Pang divert lang ng attention sa totoo kong crush. Whahaha.

Saka iba na ngayon. Hindi na tulad sa elementary na napakalaking issue ng mga crush-crush na yan. Kumbaga ngayon, normal na lang yan na pag-usapan. Pampalipas ng oras at atensyon.

Sanay na rin naman ako..