Friday, April 8, 2011

Bookworm

Namiss ko ng magbasa ng ebooks. Natigil akong magbasa simula nung nagloko ung isa kong cellphone. Pero ok na siya ngayon, nareformat na  kaya pwede ko na ulit gamitin. XD
Advantage kasi ng ebooks, wala kang gagastusin. Libre lang siyang idownload. Kaya pag ayaw mo ung isang book, delete mo na. Hindi ka na manghihinayang.
Taz isa pang advantage niya, nauuna ka sa mga bagay-bagay. Kasi hindi naman lahat ng libro meron na sa National (NBS). Karamihan ng wala pa dun, ready for download na sa ilang site. Kaya nagkakaroon ka rin ng sense of fulfillment. Kasi nga, pag nakita mo ung libro na un, sa isip-isip mo "ayy, nabasa ko na yan (dati pa..haha)". Kaya pag may nagyayabang na nabili nila agad ung bagong-labas daw na libro, pwede mo ng barahin,,hehe.
Kahit anong oras rin pwede mo siyang basahin. Basta dala mo lang ung cellphone mo.
Kaya pag walang magawa, nagbabasa nalang ako nun. Kaya tuloy niloloko ko kasi lagi daw akong nag-ccp. May katext daw, o di kaya naman nagpoporn daw,,haha.. XP

No comments:

Post a Comment