Tulad ng:
- Mag-urong
- Maglaba
- Mag-ayos ng pinaghigaan
- Maglinis ng bahay
- Matiis na di magnet. (Nawalan tuloy ako ng followers sa Tumblr,, tsk)
Napagalitan kasi kami nung una, bakit daw puro si Jien lang ung kumikilos, kaya aun. Nag-assign nalang kami ng mag-uurong at mag-aayos ng pinaghigaan kada araw.
Ang NAKAKAINIS lang, nung araw bago kami umalis, pinagsabihan ULIT kami. Ba't daw si Jien lang ulet ung naglilinis. Nagulat kami nun. Kasi wala namang kalat nun, taz naglilinis RIN naman kami. Taz tumulong pa nga kaming magcover ng notebook nun weh. Kaya nawindang kaming 3 nila Mao. Hindi namin alam kung anu ung sinumbong ni Jien, kasi wala namang dapat isumbong. Siya pa nga ung mahilig mag-utos. Taz kami ung napagsabihang walang ginagawa.
Kung kelan ako NAGSIPAG saka ako sasabihan ng TAMAD.
Sa lahat-lahat un pa naman ung ayaw ko simula nung bata. Pagsinabihan mo kong tamad kahit nagsisipag naman ako; imbes na magsipag ako lalo, tatamarin na ko. Hindi ako ung tipong "prove-them-wrong" na magsisipag lalo para makita ng iba na masipag nga sila. Imbes na ganun, magiging tamad na talaga ko. Kasi di mo naman pala naaappreciate ung ginagawa ko, di WAG NALANG. Ito ang dahilan kung bakit tamad ako mag-aral nung highschool. Big deal para sakin ang Appreciation. He!hops na nga, masyadong ng madrama..hehe..
Pero kahit papano nag-enjoy naman ako dun. Mga pinagkaabalahan namin:
- Magbadminton (2 beses lang)
- Soundtrip
- Magcover (ng kanta at ng libro,,whahaha)
- Matulog ng alas-kwatro ng umaga, gumising ng 12 ng hapon.
- Matuto ng sayaw (Bumpy ride- mohombi)
- Midnight snack!!
- Movie marathon
- DS
- Camtrip
- Billiards
- Makipag-away sa fb gamit ang poser account. (Syempre si Lykz ang gumawa nun)
- Makipagbarahan (sa isa't isa) 3:)
No comments:
Post a Comment