Preparation ko-- uminom ng stress tabs nung gabi. Taz tingin ng horoscope saka picture ni Logan Lerman (la lang, trip lang,hehe). Taz pray for guidance at walang katapusang please kay God para makapasa.
Number of Items and Time Allotment:
Math= 60 items-- 1 hour and 15 minutes
Reading Comprehension= 85 items-- 1 hour and 15 minutes
Science= 50 minutes
Language= 50 minutes
Basta 295 items lahat. Tig 270 daw ang nagtake nung saturday, morning and afternoon un. 4111106- number ng test booklet ko ^_^.
Science- more on biology. Taz may Chem din and Physics for the last part.
Reading Comprehension- medyo mahirap ung unang question na may table.
Math- trigonometry like ung sa angles and areas, taz polynomials
Taz meron din dun ung kinakanta ni dikong na di makapanood ng sine dahil walang pera chever. Pinatugtog pa nga nng dulo weh. Saka nagpatugtog din ng solo, baby, taz maya-maya somebody to love na. Akala pa nga nung proctor eh kung anung kodigo ung nasa table ko, eh answering guide un.
Pwedeng magdala ng bag kaso sa ilalim upuan. ILALIM talaga, bawal sa gilid. Taz wag munang answeran kahit ung details sa answer sheet hangga't hindi sinasabi kasi act of cheating daw un. May napagalitan pa nga eh.
Pagkatapos, siyempre dapat mag-unwind. Kumain kami sa Red Ribbon saka nanuod ng Hating Kapatid. Hayy, thank u God. Lakas nung ulan pagkatapos ng test. 18 minutes before time, natapos na ko. Pero nakakatamad kaya kumain nalang ako. 5 brownies ba naman ang baunin ko. Isang dosena kasi binili ni mame,,hehe.Ung Math lang ang parang kulang talaga sa time. Meron akong almost 14 blanks. 9 sa Math, 5 sa Science yata. Grabe talaga, pero di siya gaanong nakakadrain, parang mock test lang then you'd realize that it was the real thing na. Ang bait ng gumawa ng exam (ewan ko na kung bakit,, sorry di nakalagay weh). Mas nakakaloka talaga ung mga nasa review center (kahit 4 days lang ako nakaattend dahil sa bwiset na chickenpox). Meron ding typographical error dun. Angle def daw eh ala naman, kaya O nalang sagot ko. Madali lang din ung DNA part. 1 lang siya and kitang-kita ung sagot. Taz may mga soil din dun. Kung alin ung oldest taz ung mga plates din.
All in all, mahirap siya to the point na wala ka ng masagot pero kayang-kaya KAPAG nagreview ka.
Feeling ko di ako makakapasok... :((