Showing posts with label up. Show all posts
Showing posts with label up. Show all posts

Tuesday, October 30, 2012

Blogging during wee hours is not a good idea XD

*It's 3AM, lutang na naman* *Doodle* Kung ano nalang maisip.
Malapit ng matapos ang sembreak ko. Waaaah! Mixed emotions. Parang gusto ko na ayoko pa. Wala pa kong nagagawang ganun kaproductive. Haayy!

Feeling ko parang hindi ako estudyante. Un bang parang pag tinignan ko ung mga pinaggagawa ko last sems ehh parang hindi ako nag-aaral. Ineexpect ko nun pagcollege parang todo review. Madaming binabasa. Laging may dalang libro. Naeexcite nga akong magcollege nun eh. Dahil gusto kong matry ung ganung buhay. Ung focus na focus ka sa acads mo. Pero ba't parang hindi naman. Ung tipong minsan nalang magreview. Kung may exam saka lang talaga mag-eefort. Ayoko na ng ganun. Gusto kong mag-aral. Kahit sabihin pang nerd ako, okay lang. Sa gusto ko ehh. Aaaaargh. Gusto ko na kapag inalala ko ang college ko, maiisip ko na worth it ang pag-aaral ko. Kasi ngayon, mas madalas akong maglibang kesa mag-aral. Kapitbahay mo ba naman ang SM ehh di ka matempt. Saka kung nasa apartment man ako, natutulog lang ako. Haaaaay. Gusto kong magbago. Gusto kong magsipag. Di ko alam exactly kung pano pero unti-unti. Baby steps. Gagawin ko to. Ayokong masayang lang ang pinaghihirapan ng pamilya ko sa pagpapaaral sakin. Saka 2nd year na ko. Sa 1st year, pwede pang idahilan na nag-aadjust eh. Pero ngayon. Syempre iba na. Tumatanda na ko. Sana nagmamature na rin ang outlook sa buhay. Kaya sige promise ko na from now on magbabago na ko. Mag-aaral ako. Kahit madaming distractions, tuloy pa rin.
Gagawin ko ang lahat para matupad lang to. At feeling ko mas magiging successful to kung may specific na goals akong gustong makuha.

Kahit mejo matataas 'tong mga gusto kong mangyari, sana magawa ko pa rin.

  • Wala dapat akong bagsak na subject. Kahit isa. Kahit sobrang hirap. Ipasa lahat. NO EXCEPTIONS.
  • Mag-advance study.
  • Magbasa. Kahit walang exam.
  • Mag-aral. Mag-aral. Mag-aral. Nagpunta ko sa Pampanga para mag-aral hindi para maglibot. Bonus nalang yon.
  • Masama sa President's list. *cross fingers* Sana nung 1st sem ko pa inisip to neh, mas madali.
Pano ko magagawa ung mga yan? Bahala na si Batman. Haha. Chos. Pero focus at time management lang ang kailangan. Dagdagan pa ng dedication. Sana after this sem, masabi ko na na naging meaningful naman ang pagstay ko sa Pamp. :))

Sunday, February 19, 2012

Befriend your FEAR


"Befriend your fears one step at a time.."
The people who know me, know that I'm afraid of public speaking. *Nosebleed na*
Lahat ng nakakakilala sakin, alam na hindi ako sanay magsalita sa public. Ayoko ng mga oral reports, o ung mga bagay na kailangan kong humarap sa audience. Kaya naman sobrang saya ko ng nakaraos na ko sa pagrereport sa SocSci2. About siya sa mga philosophers so kailangan mong ipaliwanag ung ideas nila and iconnect sa life nila. Bakit nila na formulate ung mga ganung theory, chorva chorva. Basta. Grabe kasi, ang tagal kong pinag-iisipan kung pano gawin ang ppt nun. Pinagpupuyatan ko kahit wala naman akong nadadagdag. So un. Nakatuwa lang na naappreciate ni maam ung report ko. Well, siguro nga good mood siya nun. Pero kasi, iba pa rin ung sabihan ka niya ng "very good" with matching palakpak. Nakakatouch. Akala ko pa naman magigisa ko. Super kaba ko habang nagdidiscuss. Natuyo pa ung laway ko dahil nakatapat ako sa aircon! haha. Pero un nga, naprove ko na ung mga bagay na hindi mo ineexpect na kaya mo, keri lang din pala basta nagtatrust ka sa sarili mo.

Friday, November 18, 2011

UPDEPP

1. Ano ang kors mo? Gusto mo bang mag-
shift?
--BS BM. Pwede rin.

2. Sino ang peyburit prof mo? Bakit
naman?
-- Sir Rhayan. Masaya magturo saka mataas ung grade ko sa kanya. Hihi.
3. Ano ang peyburit subject mo? Bakit
hindi NatSci1?
-- SocSci1.Grabe waah. Kadugo ng utak ung NatSci1.

4. One hundred times ka na bang ng
field trip sa 100 islands?
-- Haha. Ndi pa naman. Sa january palang fieldtrip namin.
5. Naligaw ka na ba sa campus at
hinahanap ang room TBA?
-- Nope. Pag naligaw ka pa sa campus natin, iba na un.haha.
6. Nakipaggitgitan ka na ba sa mga LnT
pips lalu na kung napakaaga ng pasok
mo?
-- Oo.

7. Saan ka madalas tumatambay?
-- Flints!
8. Kanino ka mas pabor, kay ATSE o kay
TRIPPER? Kilala mo ba si Tripper? (Ang
isang canteen na magtitinda lang kung
kelan ma-tripan)
-- Ahh. Di ko pa natry kay Tripper weh. Pero murang magtinda kay Atse.

9. Suki ka ba ng Adobo ni Atse? O ng
hopia? Ube o Monggo?
-- Nope. Hindi pa. Once palang ako nakakain dun.

10. Ano ang tinutulugan mong subject?
Sinong prof?
-- Wala pa naman.
11. Anong number ng locker mo? Pedi pa-
locker?
-- Ala. Pano ba mag-avail?
12. Isa ka rin ba sa mga taong
pumapasok na lang para mag-pusoy?
Nananalo naman ba?
-- Hehe. Hindi naman. Pero masaya maglaro nung 1st sem. Yep kahit beginner.Hihi.

13. Wala ka pa bang mintis sa mga
events? Kung wala, beri good, kung
meron, bakit? Ayaw mo ng social life?
-- Meron na. Ung sa Yo!. Hindi naman sa ayaw, exam week kasi yata nun.

14. Naubusan ka na ba ng blue book?
Mahal ba para syo yun?
-- Hindi pa naman. Pero mahal nga. 3pieces, P10. Dapat dos lang,whahaha.

15. Nang-away ka na ba ng Mamang
drayber sa main gate? Oyung matanda na
nag-chechek ng ID, nakilala mo na?
-- Hindi pa.

16. Sinong peyburit mong chief? Chief
1 o Chief 2? Sino ba?
-- Alin ba sa kanina ang 1 and 2? Pero mas close ko si Chief na mas matanda. :D

17. Nag-vandal ka na ba sa school?
Yung totoo.
-- Sa mga chairs lang. Saka pala sa lab :D
18. Nabawalan ka na ba ni Atsing Linda
dahil sa nakatayo ka't maingay sa lib?
-- Hehe, buti nalang hindi pa. Terror eeh.
19. Lahat ba ng rooms ay nagakaroon ka
ng klase dun?
-- Hindi pa.

20. Memorize mo ba ang UP NAMING
MAHAL? Bakit oo? Bakit hindi?
-- Hindi,,hehe. Kase....

21. Nagagandahan ka ba sa ating
mumunting eskwelahan?
-- Ok lang. Keri lang naman. Lalo na ung "resort" sa likod.haha.

22. Hinangad mo bang maging chair ng
SC? Why or why not?
-- Nope. Ayoko ng karagdagang responsibility.

23. Nag-number two ka na ba sa CR?
(may aamin kaya? haha.)
-- Oyy. Hindi ahh.

24. May number ka ba ni Kong Ed? Penge.
-- Warla.

25. Nagkamali ka na ba ng sakay at
nasakyan ang Route 2 at nagpanic dahil
di alam kung sang lupalop ng Clark ka
na napadpad?
-- Nope.

26. Na-fefeel mo rin na number one
enemy natin ang mga taong bumababa ng
CIAC? Comments?
-- Di ko pa siya na feel. Pag wala akong kasamang iba, sinisigurado ko na alam ng driver na may bababa ng UP.

27. Naging kapamilya ka na bang bigla
dahil kay Sir Rhayan?
-- Hehe, hindi naman.

28. Namamahalan ka ba sa tuition mo?
-- Medyo. Mas mura pa ung sa dating school ko ng konti.
29. Nakakita ka na ba ng lovers sa
school na nagpi-PDA? Saan? Kelan?
Paano?
-- Wala pa naman.

30. Pabor ka ba na i-legalize na ang
inuman sa kampus? Bakit ka ganun ka
amibisyoso?
-- Hinde! madaming magiging wild,haha.  :))

TAGGED :D

This is all about your recent course in college.

1. Anung course mo?
BS Business Management

2. Saan ka nagaaral?
UPDEPP

3. Napilitan ka lang bang kunin yang course na yan?
Medyo. Pero gusto ko rin nman to.

4. Sino nagpapaaral sayo?
Si Mommy.

5. Anung year mo na?
1st.

6. Nageenjoy ka ba sa college life mo?
Yepyep.

7. E sa college barkada?
Sobra.

8. First college friends?
Nella, Marcee, Kenji, Elijah.

9. First college boyfriend/girlfriend?
Lol. Wla. NBSB :D

10. Ano ung top 2 choices mo na course?
BS BAA sa UPD, saka Management Engineering sa ADMU.

11. Have you ever felt out of place sa school mo?
Nope. Pero nung una pla parang feeling ko di ko kakayanin ung studies.

12. Irreg ka ba o regular?
Regular! Sana magtuloy-tuloy.

13. May crush ka sa school mo?
Haha. Naman.


14. Favorite subject/s
SocSci 1!!!

15. Sang subject ka natutulog?
Wala pa. Good girl muna ko.hehe
 
16. Pinakahate mong subject?
Eng1.
 
17. Kilala ba school mo?
Uhhh.. medyo?
 
18. Ever thought of taking up nursing?
Never....

19. Gusto mo bang magshift?
Dati. Sa UPD sana kaso parang malabo na ngayon un. :)

20. Anong course naman?
Kahit BA oks na oks na.

21. Do you miss your highschool life?
Ung paeasy-easy na lifestyle. Pero I'm better off now.

22. Friends/classmates you miss during highschool?
Tiny!!! saka si Jo and Iyee.(Nagaraya) :D

23. Anong balak mong unang gawin pagkagraduate mo?
Hanap ng work.

24. San ka naman magttrabaho?
Sa company sana.

25. Do you have plans of going abroad?
Yep.

26. 10 years from now ano ka na?
Tao.Haha. Kidding aside, sana successful na ko nun. Sana.

27. Do you love college life?
Super! Better than my HS'.

28. Anong gusto mong gift ang matanggap mo sa graduation mo?
All expense paid trip to Europe. (Syempre dapat mataas na ung iwish, haha.)

29. Closest Friends sa college?
Ung kanina rin: Nella, Marcee, Kenji, Elijah, saka Irish and Norman. 
Saka pala si Chin(Pare!) and Jayvee.
 
30. Recent school problem?
Madaming babasahin ngaung 2nd sem!

31. Pinaka-hate mong prof?
Ehem ehem. Sorry po Ma'am Encarnacion. Siya ung sa Eng 1.


32. Pinaka-favorite mong prof?
Pwede dalawa. Sir Rhayan saka Sir David! :))
 
33. Crush mong prof?
Hmmm. Meron ba?

34. Crush mong kaklase?
Sikretong Malufet. XD

Saturday, October 22, 2011

What SEMBREAK means:

    S - leepful nights
    E - xam free
    M - orning smiles
    B - atugan mode
    R - estful days
    E - ndless gala
    A - nd lastly
    K - ahirapan (no allowance) >: D


Woohoo!! SEMBREAK NA!!!

Tapos na rin sa wakas ang Hell Month!
Last Final Exam na namin kanina ung Math 14. Shete! Ang hirap. Pero keribels lang.

Sunday, September 25, 2011

I love my BLOCKMATES!

2nd day ng school. Bonding agad,,haha.


Teach me how to dougie

From L-R: Marcee, Kenji, Nella, Aketch
Taken at Intramuros, Manila. Nagfieldtrip nga pala kami dun.Haha. Separate post nalang if sinipag akong magblog.
Oo nga. Hindi lang pala HELL WEEK dito, HELL MONTH pa. At next next week na un.whahaha.
As in 3rd long exams saka Finals na.

Saturday, September 24, 2011

soundtrip...

Ang gastos-gastos ko ngayong week. Lagi nalang akong nauubusan ng pera. At dahil pare-parehas kaming kinakapos(haha!), naisipan naming magpicnic. Well, not exactly picnik na may nakalatag na sapin saka maraming pagkain. More like, "de-lata picnic",haha. Nagbaon kami ng mga de-lata saka cup noodles taz share-share kami dun. Bumili nalang kami ng kanin sa canteen saka kami tumambay sa flints.


Bumida ung can opener ko na halos di namin magamit nunh una dahil hindi nga namin alam kung pano gamitin (anu raw?). Imbes kasi na pataas, pagilid ang bukas niya,whahaha.
Pero all-in-all super saya naman. Makitambay pa sandali si Sir nung kumakain kami. Taz mapapasarap ung kain mo kasi nga hati-hati kayo,hehe.

Thursday, September 22, 2011

Kanina nalate ako sa PE namin. Buti nalang swerte ko ngayong araw. Walang practical saka hindi nagrollcall ung teacher namin. Pasalamat din ako sa mga blockmates ko na nagsabing WALA daw absent,whahaha.

Saturday, August 27, 2011

I'm a Walking Zombie

Musta naman ako this week. Ang average na tulog ko ay tantananan... 4 hours. Lutang pa ko hanggang ngayon kaya di mo ako makakausap ng matino.
Sunday:
May practice kami sa SAMANA ng Monday  kaya kailangang bumalik sa Pamp ng maaga. Kaso madaling araw na ko natulog dahil nag-internet pa ko.
Monday:
Practice hanggang 8 pm. Bought my new lenses. Nakatulog pa naman ng matino.
Tuesday-Wednesday
Half-day kami kaya naasikaso ko ung mga kailangan ko sa Pinoyfest. Sa sobrang lutang ko, nailock ko ung roommate ko sa loob ng room(srsly!),,whahehe. Sa hapon ginanap ung event. 1am na natapos pero 4pm ako nakauwi dahil sumama ko sa afterparty. Kumain lang kami sa Central Grill. Wooh! Libre naman weh. May kasamang konting shot. Pero 2 shot glass lang. Ang sarap kasi,,hehe. Kaso nung pauwi, sa ibang lupalop dumaan ung jip. Sa 7th street agad kmi napadpad. Eh puro 7th street pa naman ung mga kasama ko. Buti hinatid ako ni Yayow saka ni Marcee.
(Wed) Nakatulog ako ng mga 4 hours tapos pumasok na ko. Siyempre lutang na naman ako. Buti half-day ulit kami. Kaso bumalik ako sa school ng 4pm para sa Harry Potter quiz. Talo kami,,whahaha. Taz naisipan kong umuwi ng Cab, kaso 7:30pm pa ko nakasakay ng bus. Buti naabutan ko ung last trip. 
Pagdating ko sa bahay, internet hanggang madaling-araw.
Thursday:
1am-4am ang tulog ko. Alis kasi kaming maaga dahil ihahatid si ate sa airport. Umabsent nga pala ko,,whahaha.
Friday:
Sleeptime: 1am-5am. Hindi ako nakaabot sa first subject kaya nung hapon nalang ako pumasok. Niloloko ko, sabi may hung-over pa daw ako. "Party girl" nga tawag sakin weh.haha. Pati suot ko napansin, pangparty daw,,lol.
Dahil baliw na ang body clock  ko, nakatulog ako hanggang 11pm. Siyempre nagising nako ng madaling araw. Taz natulog ulit. (Anu raw??).
Saturday:
Ngayon yan. Kailangan ko ng matulog kaso gusto ko pang mag-internet. Lumililipad na nga utak ko weh. Sige goodnight na nga! XD

P.S. Pakiramdam ko sa bus na ko nakatira.Char!

Saturday, June 25, 2011

Orgs


Ang mga gusto kong saliha na orgs: Samana, BMS, AES, LFS, UP LAKAN(kahit pang mga tagabulacan lang siya), and UP Hijos.

Pero ang sure na sasalihan ko lang ay Samana. Taz sa LFS, di pa sure. Pero ang ganda, parang dito may freedom ka na sabihin ang gusto regarding sa mga issues ng bansa. Parang aktibista narin. Sa BMS (Business Management Society) naman, sabi nila it's either Samana or BMS lang. Parang may feud yata sa dalawa. Sa UP Hijos naman, parang puro bigatin. As in parang puro masisipag mag-aral. Hindi ako pwede dun,lol.

UP Adjustments

Dito ko lang naranasan ang mag advance reading (NatSci nanjan ka? :D). Nung highschool, pag nagpapaassign ng adv. reading parang wala lang. Pero dito, seseryosohin mo talaga. Taz minsan kahit anung advance reading ang gawin mo, mali pa rin (NatSci nanjan kn nman).Depende na lang kung ano ang itatanong  sayo. Taz kanya-kanya ng sources. Buti nalang nandyan si Google. Swerte nalang pag may inassign na book ang prof.


Taz alam mo ung feeling na ikaw ang pinaka hindi matalino sa klase niyo. Eto un weh. Ung feeling na kulang pa ung mga tinuro sayo nung highschool ka. Well, naituro naman pala. Kaso dito, ewan ko ba kung bakit, pero nagiging komplikado. Ultimo ung sets nung 1st year hs, parang naging komplikado.


Pero kung ikukumpara 'to sa highschool. Mas masaya ako dito sa ngayon. New start. New Beginning. New experiences. Lahat nalang New. Pan-New, whahaha (corny!).

Friday, June 24, 2011

June 24,2011

Suspended ang klase. Kung wala lang pasok bukas eh di sana umuwi na 'ko. Nakakahomesick kaya pag walang ginagawa. Taz wala pa kong kasama ngayon dito. Soundtrip na lang.

Thursday, June 23, 2011

FO personality test


Siyempre may peronality test din nung freshman orientation. Results: stubborn, direct, firm, matagal ma-inlove pero madaling magmove-on, taker, realistic, avoid confrontations and convo.
Taz eto share lang. 3 hati kasi nung f.o. Isa bawat course. Ang pinaka masayahin ay ang mga taga psych, taz mejo lang ung econ. Ung mga bm, wala lang,hehe. Parang kami ung pinakabored.  Ung pagmagchicheer, ala lang. Ewan, parang demure-effect,,lol. Pero sosyal naman, bm daw ang flagship ng UP Clark. 

Freshman Orientation


Pinaliwanag samin ang tungkol sa course namin, history ng UPDEPP, saka pinakilala rin ang faculty and staff.

Nung hapon naman, isa-isang nagperform ang mga orgs,fraternities and sororities. Super saya niya. Madaming freebies na ipinamigay. Taz may mga paraffle pa like cellphone, usb, gift certificates (yaman nila nuh)..

Ang pinakagusto kong freebie ung UPDEPP pin from APO. Nandun ang ilan sa mga bagay na meron sa UP Pamp na wala sa ibang campus. Like ung ebak tree, flints, etc. By the way, walang hazing ang APO (wuhaha,pwede, charos!). Sa December 16 ang oblation. Sa mga gustong pumunta dyan woh,LQL.

Magaganda ung mga performance nila. Pero ung sa CCC (Campus Crusade for Christ) ung isa sa nagustuhan ko. Skit siya na parang may pagka-doxology ang dating. Basta un na un,lol.

Isa sa pinagkaiba ng  college sa highschool: sa college, kahit walang supervisions ng teachers, pwedeng magprogram, sa highschool madalang mangyari un. Kaya naman may mga bagay na nagagawa ang mga org sa college na hindi pwede sa hs. Tulad ng pamimigay ng condom sa mga lalaki. Musta naman un,hehe. Courtesy of Tau Gamma Phi nga pala. Nagpamigay din sila ng folder na may nakalagay na "Today Iskolar, Tomorrow Inspiration" (bahala na kaung gumawa ng acronym,,haha). Speaking of Tau Gamma, ang cool ng performance nila. Nasa bandang dulo sila, pero masaya pa rin. Nabuhayan pa ako ng dugo kahit inaantok at nagugutom na ko. Lalo na nung kinanta ung "Super Bass". Taz nakakatawa din ung dance nila.Pangbading daw ba ang gawin.


Bawal sumali ang mga freshie sa frats and soros. Pagnahuli, suspension or expulsion ang katapat. Kaya ngayon, orgs muna kami. Barbarian ang tawag sayo pag wala kang org. Ang dami kong gustong salihan pero sabi nila baka mahirapan naman daw dahil freshie palang. Sabi nila isa muna daw pero siguro atleast 2 ang sasalihan ko. Para naman mafeel ko ang UP,,lol.


Nga pala, nung huli nagpaulan sila ng harina. Nagready na kami, nakapayong na nga weh. Kaso tinanggal ko na rin para naman hindi kj. Lol. Buti nalang white shirt ang naassign samin kaya di masyadong halata. :D


P.S. 7 na ko ng gabi nakauwi. ;)

Sunday, June 19, 2011

Nuisance

Nalipat ang KasII namin ng Saturday. 12-3. Hirap tuloy umuwi. Taz nakakaantok pa ung oras. Naging halfday naman kami sa Tuesday.

Sunday, June 12, 2011

Enrollment blah blah

Nung June 7 nagpunta ako (with my mom) sa Pampanga para mag-enroll.
Pumunta kami sa UP ng mga 12:45, kase nakalagay sa letter na meron pang enrollan ng 1-3. Kaya lang pagdating dun, sabi samin nung isang nangangasiwa(lalim!:D) na seniors na daw ang mag-eenroll pag hapon. Nun pala, may nakalagay sa bulletin na 9-11 lang ang freshman. Kaso nga, pano namin malalaman eh di naman kami laging pumupunta dun. Kaya pinaghintay pa kami ng 2 hours bago kami makapag-enroll. Inuna na kasi nila ung seniors. Taz dahil nga late kami, di na kami nakapamili ng block. Kung ano na lang ang iassign samin. Dahil kailangan nga daw balance ung number ng students.
Gusto ko sana block A. Kasi may mga nakilala narin ako dun. Kaso dahil puno na, napunta na ko sa block B.
Ok lang naman din sakin ung block B dahil hindi naman ako maagang gumising talaga. Actually,sakto nga siya. Kasi 9am pa ung start ng klase, kaya mahaba-haba pa ang ligo time ko,,lol. Ang advantage lang sa A, halfday sila pag TTh. May time gumala,,haha. Un nga lang, wholeday sila pag WF.


P.S. Dito pa ko Cab, bukas palang me alis. :D