Monday, February 21, 2011

Feb 21,2011

Day review:


Kanina nagquiz kami ng Social and Math. Bwiset! Ala akong nareview. Puro blangko ung sa Math ko taz sa Social kalahati lang daw ung grade ko. Sumabay pa ung bigayan ng Card! 13 points ang binaba ko!! Hayy... Nuh na kaya nangyayari sakin,,hehe.


Anyway, share ko lang wah. Kanina nung nasa canteen ako, merong ngumiti nung dumaan ako. Wait, medyo magulo. Ganito kasi un, ung tao na yun di ko siya kilala personally. Di pa kami nag-uusap taz kelan ko nga lang nalaman na un nga ung name niya and 4th year pala siya. Taz kanina, nung dumaan ako, ngumiti siya. As in ung tipong dahan-dahan. Hindi naman ako nakatingin sa kanya, pero nakita ko sa peripheral vision ko. Hindi ko alam gagawin kaya, di ko nalang pinansin. Kinwento ko nga sa pinsan ko, sabi ang taray ko daw. Hindi naman sa mataray, hindi ko lang talaga alam ung gagawin sa mga ganung moments. Akala tuloy nung iba, snob ako (;P). Para sakin kasi, kung bigla nalang akong ngumiti nun, di ba parang f-word un (as in flirting)., Hayy, ewan. Ganyan din ung nangyari kay cwushie#2. Di ko pinansin nun, nagalit yata. Di na rin ako pinapansin,hehe. Kasi naman, malay ko ba kung ngingiti siya o hinde diba?... Hayy, basta.


Taz eto pa pala. Si sorceress ay umepal na naman sa buhay ko. She's really getting on my nerves!!(nosebleed,,hehe) Ganito kasi un, kaninang tle, gumagawa kami ng headdress. Ngayon, nanghingi ng alambre ung isang classmate namin. O di sabi ko, "sige,ok lang,kuha ka nalang", tapos bigla siyang umepal, ginaya niya ko. Di ba, as if naman na may gusto ko dun sa particular classmate na yun. If I know, inggit lang un. Kasi nung siya nanghingi sa kapartner ko, actually di nanghingi, kinuha agad. Tinignan ko siya. Tingin as in tingin lang. Taz maya-maya binalik sakin ng medyo pahagis. So ako parang 'ano problema nito'. Nakakainis lan kasi hindi mo na nga siya pinapakialaman, ganun parin siya. Naawa na nga ako sa kanya dahil hindi siya kayang pag-aralin ng parents niya sa Manila(Quezon City rather). Nun pala, tama lang sa kanya yun. Akala niya kasi kung sino siya. Feeling supermodel. Excuse me! Maputi ka lang, nasobrahan nga eh, pero kulang ka naman sa height. And you are such a suck-up!


Hayy, sige un nalang. Buhbye na!!
Ciao!!


-A

No comments:

Post a Comment