I'm stuck in HELL..
--ok,, so kailangan kong umuwi mag-isa kasi di pumunta si tita dito. Spell I-N-I-S..
Showing posts with label daily post. Show all posts

Saturday, May 28, 2011
Sunday, May 15, 2011
Daily Post
Nagpa nail art kami kahapon ng pinsan ko. Pati si mame nagpalagay na rin,lol. First time kong magpalagay. Nung prom, ayokong magpanail art. Kasi nga naman matatanggal din.
Eh inaya na ako kahapon ng pinsan ko, pumayag na rin ako. Reason namin kung bakit nagpanail art: WALA. Nice nuh? Nanghihinayang nga ako ng bahagya kasi di ako makagalaw ng maayos. Eh kaso nga, kung may "sibling rivalry", may "cousin rivalry" naman kami. At dahil mapride (ung sabon,,XD) ako, syempre pumatol naman ako,whahaha.
Pupunta kami tom sa Pangasinan. Kasama namin si Mao (pinsan ko from both side,,whahehe. Ung papa niya, kapatid ni daddy; taz ung mama naman niya, pinsan ni mame). Anyway, 3 weeks sila ni Lykz dun, taz 2 weeks lang aketch. May appointment kasi aketch (Naks! Di nga?). Dapat 1 week lang ako dun kasi sakto naman may seminar din sila mame ng 1 week, kaso nga masyado naman daw mabilis. Kaya ayun, hiatus muna sa pagbablog.
NOTE: Update ko ung pictures pag sinipag ako XD

Tuesday, May 10, 2011
What's keeping me busy...
Dahil wala akong masyadong magawa ngayong bakasyon. naghanap na naman ako ng bagong trip, haha.
So un, naisipan kong magdrawing. Nainspire ako sa mga fashion sketches sa Tumblr. Di ako magaling magdrawing kaya todo search pa 'ko ng mga tutorial.
Taz nagdadownload ako ngayon ng Photoshop cs5. Napagtripan ko lang din na mag-edit ng mga pics.
Update sa reading challenge: Feeling ko di ko matatapos. # palang ung naidagdag ko. Nahook kasi ako sa kwento ng Grace series. Binase talaga siya sa Twilight na may pagka Hush Hush. Maganda naman ung story kaso, sobrang haba. 11 hours isang book.Depende rin kung gano ka kabilis magbasa pero base sakin daig pa niya ung Harry Potter sa haba. Taz ang nakakaloka, senior year lang nung character ung 4 na book na yon. Whahaha.
Nagsingit naman ako ng isang book na babasahin bagoko tumuloy dati sa 3rd book. Elixir by Hilary Duff. May pagka Fallen naman ang kwento. Starcrossed lovers taz reincarnation. Ang di ko lang type, parang ang daling masolve ng clues. Bigla nalang pagsusuko na, biglang nandun na agad ung hinahanap.

Thursday, May 5, 2011
Daily post
Kanina nagtake ako ng exam sa NEHS. Para sa scholarship sana yun. Ewan ko lang kung qualified ako kasi outside of Nueva Ecija ako mag-aaral.
Ok naman ung mga tanong. Good for 1 hour. Medyo mahirap rin kasi di ko na maalala kung pano gawin ung ganito-ganyan.
Taz may questions na about sa General Knowledge mo sa Nueva Ecija. Sakto naman, mga this week lang un, nagsearch ako taz ewan ko kung bakit pero tinignan ko ung "Nueva Ecija" sa Wikipedia. Taz bibilangin ko sana ung mga municipalities kaso tinamad ako. Nun pala, kasama sa exam un. Kaso dahil di ko binasang mabuti un, mali ang nasagot ko,,haha.
Nakakatuwa lang kasi gumana ang aking psychic ability subconciously ,,hehe.
Ung feeling na compelled kang gawin ung isang bagay pero di mo alam kung bakit. Katuwa lang.

Tuesday, May 3, 2011
The Case of The Laughing Man
Kagagaling ko lang ng CLSU. Kasama ko si Tunini kanina. Wooh! Kapagod pero enjoy. Muntanga si manong cwf300 kanina. Kung makatawa akala mo sinasaniban. At take note, wala siyang kausap nun, whahaha. Nasakyan ko na rin siya dati. Galing din ng CLSU, nung entrance exam. AT sa harap pa ko nakaupo,,lol. Creepy eh?
Anyway, swerte ako ngayong araw na'to kaya nasipag akong magblog kaagad pag-uwi.

- Nung maga, sumabay ako sa tita ko papuntang bayan. Nalibre ako ng pangtricycle
- Sumabay din ako papuntang CLSU, nalibre ulet ako
- Nilibre ako ni Tiny ng lunch
- Binigyan rin ako ni Tunini ng Gift!! :D
- Pagdating ko sa Melanios, dumating din ung isang tita ko. Kaya sa kanila na 'ko sumabay. Di na ko naghintay. XD
- Pag-uwi ko, may letter sa higaan ko. Galing sa AMA. Nagtext na sila sakin ng 2 beses taz ngayon nagpadala sila ng letter. Wala lang, ang sarap pala ng feeling ng ganun. Kasi di naman kami nagtake dun. Pero baka lahat kami binigyan din. Sayang nga lang kasi di ko na maaccept ung offer.
- Nagmessage sakin sa Twitter ung isa sa fave bloggers ko.
Wednesday, April 13, 2011
A Jumble of Fairy Tales
Allo! So far apat pa lang ung nabasa ko,,hehe. 1 lang ung nadagdag. Panu buh naman wala na kong makitang story na maganda taz ung iba ayaw pa mainstall. Papalit-palit ako sa tatlong stories kasi nga B-O-R-I-N-G talaga ung storya nila. The False Princess, Gorgeous, saka The Secret Life of Prince Charming. Ung The Secret Life, sobrang bagal talaga nung takbo nung story. Kalahati na ala pa rin ung aka Prince Charming,,whahaha. Buti nalang binasa ko na rin ung Cloaked by Alex Flinn. Ang ganda nung story niya. Combination ng different fairytales. Ung mga fairytale na di masyadong sikat. Time: 4 hours and 24 minutes,,lol..
About siya sa isang simpleng cobbler, taz nagpatulong ung isang princess sa kanyasa isang quest. Merong magic chever na involve dito taz love story.
Ung mga Fairytale na pinagkuhanan ng kwento:
Snow White and Rose Red- heard about it,, but I'm not sure if I've seen it
The Elves and the Shoemaker- heard
Frog Prince- yep,,know this
The Six Swans-nope
The Golden Bird-familiar
The Valiant Tailor- yep,, nasa book ko siya dati. Collection ng fairytales from the Grimm's.
The Salad- dunno
The Fisherman and His Wife- yep,,know this from elementary days. Pinakwento sakin in own words,,lol..
P.S. Mental note, hanapin ung book na Grimm's Fairy Tales.

Tuesday, April 12, 2011
Vacay/Birthday Plan?
Kinidnap ng dalawa kong pinsan si Lykz kaya sam-sama sila ngayon sa Pangasinan. Wala tuloy akong mainis at makaaway(:D) dito,,whahahaha. Pero susunod naman aketch sa 18 kasama ung tita ko. Hanggang 24 kami dun, which means na dun ako magbibirthday :(. Ok lang sana kung duon kaso sa 22 pa daw pupunta sila mame dun, kaya di ko tuloy alam kung ano mangyayari sa birthday ko.. :/
Speaking of Pangasinan, papatayin ko ung mga pinsan ko pagdating ko dun. Tama daw bang magcomment ng kung anu-ano sa Fb?hehe

Monday, April 11, 2011
Sticky notes
May nakita kong stick notes na binebenta sa Facebook. Ang cute nung bang design kaya ayun, nagmental note naman ako na pag kako yumaman ako mangongolekta ko ng maraming-maraming sticky notes, whahehe. Taz nung nagpunta kaming Mega kahapon pagkatapos ng "hilo-incident", tumingin muna ko sa Clipper. Naghahanap sana ko ng planner, panregalo. Kaso ung nabili ko notebook,,lol. Taz nakita ko, meron na rin sila nung stick notes na pareho nung sa FB. 80 sa Fb taz 88 sa Clipper. Ok na rin un, kaysa naman magbayad pa ko ng sf.
![]() |
Nice one. Designed in America BUT Made in China |
LSS???
LSS ako sa "Just so you know". Ewan ko kung bakit. Actually, hindi pala LSS, basta bigla nalang siyang pumasok sa utak ko. Hehe.
Sunday, April 10, 2011
OMG
Something scary happened to me earlier. I almost passed out!! Or should I say I passed out..
Nasa simbahan kasi kami, taz iba na ung pakiramdam ko. Parang di ako komportable. Taz biglang dumidilim ung paningin ko. Saka unti-unti akong nabibingi. Buti nalang napakapit ako kay mame. Taz di ko na alam nangyari. Ang alam ko lang nakatulog ako taz pagdilat ko nakaupo ako taz kinakausap na nila ko. Sabi naman nila di daw ako nakapikit. Nakadilat lang daw ako. Parang nakatulala. Kinabahan nga daw si mame eh. Ang lamig-lamig ko pa nun. Pinagpapawisan ako ng malamig. Taz as in para daw wala akong dugo sa sobrang putla. Lalo na sa labi, gray na gray daw taz nangingitim ung babang part. Pinaupo nalang nila ko hanggang matapos ung misa.
Taz ang nakakatawang part pa dun, ang sermon ng pari about sa death. Malay daw ba natin kung kailan daw tayo mamamatay. Baka daw pagkatapos ng misa, may mamatay na.
Katakot lang talaga.

Tuesday, April 5, 2011
Daily Post
Ang araw ko ngayon ay puno ng PAGHIHINTAY.
Simula umaga, tanghali, at gabi naghihintay ako. haha.
Pero wag ka, kanina nagvolunteer ako na ako na lang ang magpapaxerox at magpapabookbind ng thesis. Para wala na rin silang masabi. Taz isang dahilan ko din dun, para di na 'ko ang kukuha bukas. Hello?? Graduation na kaya. Ayon nga sa isa naming teacher, dapat nagbu-beauty rest nalang kami bukas,haha.

Monday, April 4, 2011
Haha
May nakita ko sa tumblr na cute na post. Ung parang "Alam mo ung feeling na...". Pinost ko siya sa FB.
Ganito kasi un:
![]() |
"Alam mo yung makapal ang mukha ? Mukha mo yun ee,, whahahaha" |
Tinanong ako ni mommy, "May kaaway ka ba?". Sabi ko ala. Kasi wala naman talaga,,hehe
Mukha palang pang-away ung status ko.hehe.
Sabi rin nila Tunini, bad mood daw ba ko.,,hihi.
Actually, good mood ako naun. Kasi naappreciate na ng leader namin ung effort ko sa thesis,,hehe.
Pero ala talaga akong pinatatamaan. Pero kung may natamaan, sorry naman. Kanya-kanyang trip yan,,hehe.
Laughtrip lang, no offense. :D.
Daily post
Your energy is just right, and your emotional state is almost perfect — so have a good time and make sure that you’re sharing the vibes with someone you like. If you’re at a party, so much the better!My horoscope for today.
Medyo tama siya kasi hindi ako nabadmood ngayon. Gumawa kasi kami ng thesis, eh dalawa lang kaming gumawa. Taz ung isa nagpaalam, maglalunch daw. Samantalang kami, di pa rin kumakain. Taz nung nakita namin mamaya-maya, di pa rin daw siya kumakain. So diba nakakainis ung ganun. Buti nalang kasama ko si Ineng kanina. Tapos, dumating ung leader namin. Taz tinanong kung nasan nga ung isang inassign nyang gagawa. Eh nagpunta un sa bahay ng kaklase namin, oh di sabi ko umalis. Taz tinanong ni leader kung may naitulong naman daw buh un ngayon. Eh wala, kaya sinabi ko wala (hihi). Taz parang nainis din ung leader, kasi nga naman siya na ung nag-edit ng manuscript taz ako na ung gumawa ng powerpoint, taz di pa tumulong ung isa. Kaya ayon nagood mood ako ngayon,,whahahaha. Ang bad ko....wuhaahaha.
Sunday, April 3, 2011
April 03, 2011
Kainis! Nasira ung gabi ko dahil sa pinsan ko. I HATE HER> I F@#%^#$ HATE HER!!! haha
Wala akong ginagawa ahh, taz bigla siyang mambabara. Akala niya uurungan ko siya. Ha! Wish niya.
Ganito kasi un. Tumingin kami sa Fresh, eh hinahanap ko ung mga singsing. Taz naging ganito ung conversation namin:
Ako: Ay eto pala.
Siya: Yaan nga. (na pagalit)
Ako: Eto nga.
Siya: Yaan nga.
Ako: Eto nga. Bulag ba? (Biruan pa 'to)
Taz may pinakita siyang parang lamp. Eh may nakalagay na Merry Christmas.
Ako: Christmas naman
Siya: Di eto. (pagalit ulit taz ung isa naman ung kinuha niya)
Ako: Bilin mo na!

Siya: Talaga!
Ako:(WHATEVER).......
Ako:(WHATEVER).......
Babaw diba?? Kainis! :D
Thursday, March 31, 2011
>:((
Galing kaming Pampanga kahapon. 7 pm kami nakarating dito sa Cabanatuan. 11 pm ako naka uwi. Nice noh?
Panu kaya't hinintay ko pa ung tita ko. Kainis. Taz ang lamig-lamig pa dun sa Crossing. Ala pa naman akong jacket na dala. Taz nung dumating, sinisi pa ung bus driver. Mano kasing nagtext nalang na gagabihin pala siya ng sobra.
Sa Labas:
POKER FACE :I
Sa loob-loob ko:

Friday, March 25, 2011
Super Fun and Thrilling Day
Woohoo!! Ang saya ko ngayon,hehe. First time kong byumahe ng papunta saka pauwing Manila ng mag-isa. Buti nalang nung nandun ako, sinamahan ako ni ate.
Kinuha na namin ung medical certificate ko sa UPD. Umpisahan ko sa simula,hehe.
Mga 5:30 nakasakay na ko sa crossing ng bus. Taz on the way, hindi ako natulog. Medyo paranoid kasi ako sa katabi ko. Mabuti na ring nag-iingat,hihi. Nung nnakarating na ko sa babaan ng SM North Edsa, may sinundan lang akong lalaki. Nun pala, hinihintay na ko ni ate sa babaan nun. Eh dumiretso pa ko. Buti nalang may load ako. Taz tumawid na kami sa overpass papuntang The Block. Dun kasi may sakayan na straight papuntang UP.
Naikot ko na ang UP,hehe. Panu kaya't toki yata ung nasakyan namin, eh sa Infirmary lang kami. Nakita ko na rin ang sunken garden. Nakalubog nga talaga siya. Ang cute. :D
Nung pagdating namin sa Infirmary, tumuloy na kami saX-ray CR. As in comfort room,haha. Tapos nung kinuha namin ung result nung x-ray, mabilis lang din. Nakasabay ko ulet ung kasabay ko nung tuesday. Kala ko ako lang naghintay ng 3 days. Taz tumuloy na kami sa Records saka pinapunta kami sa Triage. Tinignan lang nila ung form taz pinapunta uli kami sa Room 10. Chineck-up na ko dun. Taz ang findings: MEDYO overweight daw ako!!! Tawa ng tawa ung kapatid ko, bwiset, lol. Overweight ako para sa height ko. So either maliit ako or mataba lang talaga ko (ayaw talang pumayag na mataba,hihi). 4 kilos ang dapat mabawas sakin para maging normal ung BMI ko. After nun, pumunta naman kami sa PHU yata un, basta ung katapat na pinto. Tinignan lang nila ung results taz binigyan ako ng green form. Pinaiwan na rin dun ung medical questionnaire o kung ano mang tawag sa form na un. Wala pa kaming 1 oras, tapos na.. XD
Tinanong naman ako ni ate kung san ko gustong maglibot. Sabi ko MOA, sabi niya kain muna kami ng Trinoma. Nung pasakay na kami ng jeep papuntang SM North, sabi ko maghanap ng jeep na may green na bubong. Eh sakto may dumaan na jeep na ganun, kaso walang nakalagay na SM North. Kaya ayun nagdalawang sakay kami. Pagkababa namin sa Philcoa, sakay ulit papuntang Trinoma.
Pagdating sa Trinoma, ayoko ng umalis,hehe. Nakita ko kasi ung Landmark. Un pa naman ang isa sa pinapangarap kong puntahan. Mura kasi pero magaganda (courtesy of Candymag :>). Aun kumain muna kami at...nakakain na ko ng FROYO,,hihi. Frozen Yogurt. Lasa siyang,well, yogurt,,hehe. Ang consistency niya parang ice cream. Part yogurt-part ice cream. Di siya ganung kaasim pero maasim pa din (anu raw??). Ang pinili kong topping, brownies nalang. Taz un gala mode na.
After namin maggala, punta na kami sa terminal. At guess what? Pinasakay ako ni ate sa MRT!! First time ko rin,,whahehehe. Tao na ko. Para daw maranasan ko naman un.
Naglakad kami papuntang terminal ng 5 star. Pawis na pawis ako sa sobrang init. As in sobrang haggard na ko nung pagsakay ko.
Taz un, nakarating na ko sa Melanios. At tumawid ulit ako ng bonggang-bongga. Sa isip-isip ko "God, gusto ko pang makagraduate. Please, tulungan Niyo po ako" wuhahahaha.
Geh un lang ulit. Ciao na!! ^_^
--A
Kinuha na namin ung medical certificate ko sa UPD. Umpisahan ko sa simula,hehe.
Mga 5:30 nakasakay na ko sa crossing ng bus. Taz on the way, hindi ako natulog. Medyo paranoid kasi ako sa katabi ko. Mabuti na ring nag-iingat,hihi. Nung nnakarating na ko sa babaan ng SM North Edsa, may sinundan lang akong lalaki. Nun pala, hinihintay na ko ni ate sa babaan nun. Eh dumiretso pa ko. Buti nalang may load ako. Taz tumawid na kami sa overpass papuntang The Block. Dun kasi may sakayan na straight papuntang UP.
Naikot ko na ang UP,hehe. Panu kaya't toki yata ung nasakyan namin, eh sa Infirmary lang kami. Nakita ko na rin ang sunken garden. Nakalubog nga talaga siya. Ang cute. :D
Nung pagdating namin sa Infirmary, tumuloy na kami sa
Tinanong naman ako ni ate kung san ko gustong maglibot. Sabi ko MOA, sabi niya kain muna kami ng Trinoma. Nung pasakay na kami ng jeep papuntang SM North, sabi ko maghanap ng jeep na may green na bubong. Eh sakto may dumaan na jeep na ganun, kaso walang nakalagay na SM North. Kaya ayun nagdalawang sakay kami. Pagkababa namin sa Philcoa, sakay ulit papuntang Trinoma.
Pagdating sa Trinoma, ayoko ng umalis,hehe. Nakita ko kasi ung Landmark. Un pa naman ang isa sa pinapangarap kong puntahan. Mura kasi pero magaganda (courtesy of Candymag :>). Aun kumain muna kami at...nakakain na ko ng FROYO,,hihi. Frozen Yogurt. Lasa siyang,well, yogurt,,hehe. Ang consistency niya parang ice cream. Part yogurt-part ice cream. Di siya ganung kaasim pero maasim pa din (anu raw??). Ang pinili kong topping, brownies nalang. Taz un gala mode na.
After namin maggala, punta na kami sa terminal. At guess what? Pinasakay ako ni ate sa MRT!! First time ko rin,,whahehehe. Tao na ko. Para daw maranasan ko naman un.
Naglakad kami papuntang terminal ng 5 star. Pawis na pawis ako sa sobrang init. As in sobrang haggard na ko nung pagsakay ko.
Taz un, nakarating na ko sa Melanios. At tumawid ulit ako ng bonggang-bongga. Sa isip-isip ko "God, gusto ko pang makagraduate. Please, tulungan Niyo po ako" wuhahahaha.
Geh un lang ulit. Ciao na!! ^_^
--A
Wednesday, March 23, 2011
UP PE part 1
Kahapon nagpunta kaming UP Diliman para magpa physical exam. Required kasi ang mga freshmen na magpamedical.
Pumunta kami sa Infirmary ng UP. Di pa nga alam nung driver kung saan eh. Taz ang natatandaan ko lang Apacible St. siya malapit. Buti nalang tama rin. Nakita ko ung sign ng UPHS kaya dun na kami nagpababa. Tapos punta kami sa 'Records' taz tinanong namin dun ung procedures. Tinanong kung may x-ray na kong dala, kaso wala kaya magpa x-ray nalang daw ako dun. Punta kami sa X-ray room nila. Buti wala pang masyadong tao. 3 lang yata kami nung magpapa x-ray. Ako saka dalawang lalaki. Ako ung naunang i-x-ray, kaso nga lang nauna pang matapos ung 2,hehe. Pano kaya't nagbihis pa ko. Disadvantage sa mga girls un,lol.
Sunod, magpapadental naman. Mabilis lang naman siyang natapos. Tinawag lang ung pangalan taz pinapila. Ang pinagtataka ko lang, ba't ang bilis matapos. Wish ko na sana malinis naman ung pinang check sa bunganga (over!) ko. Arte much,hehe.
Tapos, nagpacheck lang ng height, weight, saka blodd pressure. Chineck din ung sa vision ko. Nakasalamin na nga ako malabo pa rin,hihi.
Balik na lang daw ako after 2 days para makuha na ung results nung x-ray. Taz saka palang ako magpapatriage.
Mababait naman ung mga nagtatrabaho dun. Nakikipagkwentuhan pa nga ung iba sakin. Meron din daw dun na estudyante na taga-cabanatuan. Hindi na daw umuuwi, dinadalaw nalang daw nung magulang. Taz Bautista yata ung surname niya. Nakalimutan ko na ung full name.
Paglabas namin, punta muna kami sa SC. Malapit siya sa may PNB. Wah, sinearch ko muna mga location nyan,haha. Bumili ng lanyard ung pinsan ko taz ako baller muna. Para pwedeng isuot kahit san :D. Bibili sana kong pampasalubong kaso baka magtampo naman ung iba. Mamumulubi naman ako pag binilan ko sila lahat,hehe.
Taz un, nagpunta na kaming SM North Edsa. Libot dun,libot jan. Sumakit tuloy ng paa ko.
Un lang. Tamad mode ulet ako. ^_^

Monday, March 21, 2011
ANTM Cycle 16
I really like Brittani. She has an angelic, innocent yet fierce face. She's simple yet classy..
My top 4 finalists:
1. Brittani
2. Hannah
3. Molly
Friday, March 18, 2011
Hmmm..
Nag-aadik ako sa Tumblr. As in mga 20+ posts ang nagawa ako ngayon. Taz mamaya baka magpost ulit ako.
Ala masyadong magawa ngayon. Share ko nalang ang hatred ko sa spaghetti (joke).
Kasi kumakain kanina (ngayon) ako ng spaghetti, ngayon di ko siya maubos. Lagot ako kay ate,hehe. Masarap naman kaya lang talaga hindi ako mahilig sa spaghetti. I don't know, pero di ko siya talaga type. May lasa lang akong hinahanap. Arte talaga ng panlasa ko. Gusto ko ung medyo matabang, ung hindi matamis pero malinamnam ng konti (??). Hehe. Taz ayoko ung maraming sauce. Ewan ko ba, may iba nga siguro sa panlasa ko.
Change topic naman. Share ko lang din. Kung may nagchat sa inyo taz nakita niyo ung lonk eh may 'bit' na nakalagay, wag niyo ioopen. Kasi promotional link lang un saka ang dami ko nang friend sa fb na nahack ung profile. Ung hindi nila alam na nagmemessage na sila.Madali naman siyang mahalata kasi english,,hehe. Ung may ipapaclick sayo taz kung anu-ano sinasabi. eto ung isa: Haha, I am going to look like a sharpie in 20 years! See what you will look like here: bit.ly/ek8UcF. Di ko pa siya naclick at ayaw ko ring itry pero phishing site lang yata ang lilitaw jan. Meron naman, mapupunta ka sa isang site na may binebenta ganun. Kasi ung sa mga paid-to-click sites, ganun ung link. Kada click kasi may bayad na napupunta sa kung sino mang nakaregister dun.Meron naman ung kailangan mong magregister or magsign-in. Mas malala naman un kasi binebenta nun ung email-add mo. Kaya minsan napakaraming spam ang marereceived mo.

Wednesday, March 16, 2011
Dream Places
Mga lugar o landmarks na gusto kong mapuntahan kahit nag-eexist man siya o hindi:
1. Eiffel Tower
Una kong nakita ang picture ng Eiffel Tower sa Almanac taz ewan, nagustuhan ko agad. Taz narealize ko, ung shape niya pa letter 'A' kaya nagustuhan ko lalo. Gusto kong matry kumain sa restaurant sa taas. taz gusto ko ding sumakay ng elevator papataas. Baka kasi di ko kayanin pag stairs lang,hehe.
2. Parthenon
May something sa Parthenon na gustung-gusto ko. Ewan ko lang talaga kung ano. Basta ang dinahilan ko nun nung may nagtanong kung bakit gusto ko yan, sabi ko gusto kong itry kung matibay,,hehe. Taz isa pa palang factor na lalong nagpagusto sakin jan ay ang dahilan kung bakit siya tinayo. Para siya kay Athena--favorite Greek goddess ko. ^_^
3. Hanging Gardens of Babylon
Sana meron pa yan hanggang ngayon. Nung nagsearch ako ng pictures, lumabas na ang Babylon noon ay Iraq na daw ngayon?!?
4. Atlantis
Ang mahiwagang City ng Atlantis. Madaming theories kung talagang meron nyan at kung saan pero di naman napapatunayan. Sabi lumubog daw na isla ang Atlantis taz hanggang ngayon makikita mo parin ung mga remnants nung place.
5. Disneyland
Happiest Place on Earth!! Kahit saan pang lupalop na Disneyland ok lang
6. Harry Potter Theme Park
Sa Florida siya and gustung-gusto ko matry bmili sa Hogsmeade. Lalo na ung Butterbeer, sarap siguro. Taz meron pa ung pipili sila ng 1 tao na magtetest ng wand. With matching effects pa yata ung wand. Kainggit. Tapos ung mga pangsouvenir, ang gaganda kaso ginto naman ang presyo,lol. Pag madami kang papasalubungan,mamumulubi ka,hehe. Pero worth it naman siya.
Hindi pa kumpleto ung list na to pero ung mga pinakagusto kong mapuntahan nandito... ^_^
Note: I didn't own any picture unless stated otherwise
--A
Subscribe to:
Posts (Atom)