Wednesday, March 16, 2011

Dream Places

Mga lugar o landmarks na gusto kong mapuntahan kahit nag-eexist man siya o hindi:

1. Eiffel Tower

Una kong nakita ang picture ng Eiffel Tower sa Almanac taz ewan, nagustuhan ko agad. Taz narealize ko, ung shape niya pa letter 'A' kaya nagustuhan ko lalo. Gusto kong matry kumain sa restaurant sa taas. taz gusto ko ding sumakay ng elevator papataas. Baka kasi di ko kayanin pag stairs lang,hehe.
2. Parthenon
May something sa Parthenon na gustung-gusto ko. Ewan ko lang talaga kung ano. Basta ang dinahilan ko nun nung may nagtanong kung bakit gusto ko yan, sabi ko gusto kong itry kung matibay,,hehe. Taz isa pa palang factor na lalong nagpagusto sakin jan ay ang dahilan kung bakit siya tinayo. Para siya kay Athena--favorite Greek goddess ko. ^_^

3. Hanging Gardens of Babylon
Sana meron pa yan hanggang ngayon. Nung nagsearch ako ng pictures, lumabas na ang Babylon noon ay Iraq na daw ngayon?!?
4. Atlantis

Ang mahiwagang City ng Atlantis. Madaming theories kung talagang meron nyan at kung saan pero di naman napapatunayan. Sabi lumubog daw na isla ang Atlantis taz hanggang ngayon makikita mo parin ung mga remnants nung place.

5. Disneyland
Happiest Place on Earth!! Kahit saan pang lupalop na Disneyland ok lang
6. Harry Potter Theme Park
Sa Florida siya and gustung-gusto ko matry bmili sa Hogsmeade. Lalo na ung Butterbeer, sarap siguro. Taz meron pa ung pipili sila ng 1 tao na magtetest ng wand. With matching effects pa yata ung wand. Kainggit. Tapos ung mga pangsouvenir, ang gaganda kaso ginto naman ang presyo,lol. Pag madami kang papasalubungan,mamumulubi ka,hehe. Pero worth it naman siya.

Hindi pa kumpleto ung list na to pero ung mga pinakagusto kong mapuntahan nandito... ^_^

Note: I didn't own any picture unless stated otherwise

--A

No comments:

Post a Comment