Friday, March 18, 2011

Hmmm..

Nag-aadik ako sa Tumblr. As in mga 20+ posts ang nagawa ako ngayon. Taz mamaya baka magpost ulit ako.
Ala masyadong magawa ngayon. Share ko nalang ang hatred ko sa spaghetti (joke). 
Kasi kumakain kanina (ngayon) ako ng spaghetti, ngayon di ko siya maubos. Lagot ako kay ate,hehe. Masarap naman kaya lang talaga hindi ako mahilig sa spaghetti. I don't know, pero di ko siya talaga type. May lasa lang akong hinahanap. Arte talaga ng panlasa ko. Gusto ko ung medyo matabang, ung hindi matamis pero malinamnam ng konti (??). Hehe. Taz ayoko ung maraming sauce. Ewan ko ba, may iba nga siguro sa panlasa ko.
Change topic naman. Share ko lang din. Kung may nagchat sa inyo taz nakita niyo ung lonk eh may 'bit' na nakalagay, wag niyo ioopen. Kasi promotional link lang un saka ang dami ko nang friend sa fb na nahack ung profile. Ung hindi nila alam na nagmemessage na sila.Madali naman siyang mahalata kasi english,,hehe. Ung may ipapaclick sayo taz kung anu-ano sinasabi. eto ung isa: Haha, I am going to look like a sharpie in 20 years! See what you will look like here: bit.ly/ek8UcF. Di ko pa siya naclick at ayaw ko ring itry pero phishing site lang yata ang lilitaw jan. Meron naman, mapupunta ka sa isang site na may binebenta ganun. Kasi ung sa mga paid-to-click sites, ganun ung link. Kada click kasi may bayad na napupunta sa kung sino mang nakaregister dun.Meron naman ung kailangan mong magregister or magsign-in. Mas malala naman un kasi binebenta nun ung email-add mo. Kaya minsan napakaraming spam ang marereceived mo.

No comments:

Post a Comment