Friday, March 25, 2011

Rant Alert

Nakakainis talaga siya. Naiinis na naman ako sa pinsan ko (mean ko talaga). Panu ba naman kasi lagi nyang sasabihin na ayaw niyang may gumagaya sa kanya. Eh samantalang siya kung makagaya sakin eh wagas. At take note, ang ibig sabihin niya kapag ginagaya siya eh ung meron kaung magkaparehong bagay. Kunwari may doll shoes siya at bumili ka rin, panggagaya na para sa kanya un. Diba ang BABAW?!? Kainis weh. Siya lang ba pwedeng magkaroon nun.
Eto na naman ang ginawa niya kaya ako nainis. Nung nagsimba kami nun, naka all black ako. Di naman masyado. Basta dark na blouse taz black pants saka ako nagblue na doll shoes. Para kako isa lang ung color na mag pop-out dun. Tapos buh naman, nung tuesday, nung nagpunta kami ng Manila, ganun din ung suot. Nakadollshoes na black na may halong blue saka nakadark rin na blouse. Ok lang sana sakin un eh. Kaso nga lang kung umasta akala mo namang siya ung nakaimbento ng lahat ng porma sa mundo.
Lagi niyang sinasabi na ayaw niyang ginagaya siya sa harap ng ibang pinsan namin. Ako naman, dahil maldita rin ako, lagi ko siyang binabara. Sasabihin ko, "Ayaw mong ginagaya ka pero ikaw nanggagaya." Tawanan naman ung ibang pinsan namin. Akala nagbibiruan parin kami. Biro rin siya pero alam niya (at alam ko) na may halong patama na un. Taz sasagot naman un, "Ok lang na manggaya basta bagay naman sa nagsusuot." Eh un pala weh, alam naman sana niya pero di pa rin siya tumigil sa katatalak niya. Aaaargh!XD

No comments:

Post a Comment