Kinuha na namin ung medical certificate ko sa UPD. Umpisahan ko sa simula,hehe.
Mga 5:30 nakasakay na ko sa crossing ng bus. Taz on the way, hindi ako natulog. Medyo paranoid kasi ako sa katabi ko. Mabuti na ring nag-iingat,hihi. Nung nnakarating na ko sa babaan ng SM North Edsa, may sinundan lang akong lalaki. Nun pala, hinihintay na ko ni ate sa babaan nun. Eh dumiretso pa ko. Buti nalang may load ako. Taz tumawid na kami sa overpass papuntang The Block. Dun kasi may sakayan na straight papuntang UP.
Naikot ko na ang UP,hehe. Panu kaya't toki yata ung nasakyan namin, eh sa Infirmary lang kami. Nakita ko na rin ang sunken garden. Nakalubog nga talaga siya. Ang cute. :D
Nung pagdating namin sa Infirmary, tumuloy na kami sa
Tinanong naman ako ni ate kung san ko gustong maglibot. Sabi ko MOA, sabi niya kain muna kami ng Trinoma. Nung pasakay na kami ng jeep papuntang SM North, sabi ko maghanap ng jeep na may green na bubong. Eh sakto may dumaan na jeep na ganun, kaso walang nakalagay na SM North. Kaya ayun nagdalawang sakay kami. Pagkababa namin sa Philcoa, sakay ulit papuntang Trinoma.
Pagdating sa Trinoma, ayoko ng umalis,hehe. Nakita ko kasi ung Landmark. Un pa naman ang isa sa pinapangarap kong puntahan. Mura kasi pero magaganda (courtesy of Candymag :>). Aun kumain muna kami at...nakakain na ko ng FROYO,,hihi. Frozen Yogurt. Lasa siyang,well, yogurt,,hehe. Ang consistency niya parang ice cream. Part yogurt-part ice cream. Di siya ganung kaasim pero maasim pa din (anu raw??). Ang pinili kong topping, brownies nalang. Taz un gala mode na.
After namin maggala, punta na kami sa terminal. At guess what? Pinasakay ako ni ate sa MRT!! First time ko rin,,whahehehe. Tao na ko. Para daw maranasan ko naman un.
Naglakad kami papuntang terminal ng 5 star. Pawis na pawis ako sa sobrang init. As in sobrang haggard na ko nung pagsakay ko.
Taz un, nakarating na ko sa Melanios. At tumawid ulit ako ng bonggang-bongga. Sa isip-isip ko "God, gusto ko pang makagraduate. Please, tulungan Niyo po ako" wuhahahaha.
Geh un lang ulit. Ciao na!! ^_^
--A
Ikaw na. Ikaw na ang nag FroYo! :P Hindi pa ko nakakatikim eh. Kapag lumuwas din ako. =)) :D
ReplyDeleteMeron din dito nyan,,hehe
ReplyDeleteNakita ko rin si Lyn ching,,hehe