Thursday, June 23, 2011

Freshman Orientation


Pinaliwanag samin ang tungkol sa course namin, history ng UPDEPP, saka pinakilala rin ang faculty and staff.

Nung hapon naman, isa-isang nagperform ang mga orgs,fraternities and sororities. Super saya niya. Madaming freebies na ipinamigay. Taz may mga paraffle pa like cellphone, usb, gift certificates (yaman nila nuh)..

Ang pinakagusto kong freebie ung UPDEPP pin from APO. Nandun ang ilan sa mga bagay na meron sa UP Pamp na wala sa ibang campus. Like ung ebak tree, flints, etc. By the way, walang hazing ang APO (wuhaha,pwede, charos!). Sa December 16 ang oblation. Sa mga gustong pumunta dyan woh,LQL.

Magaganda ung mga performance nila. Pero ung sa CCC (Campus Crusade for Christ) ung isa sa nagustuhan ko. Skit siya na parang may pagka-doxology ang dating. Basta un na un,lol.

Isa sa pinagkaiba ng  college sa highschool: sa college, kahit walang supervisions ng teachers, pwedeng magprogram, sa highschool madalang mangyari un. Kaya naman may mga bagay na nagagawa ang mga org sa college na hindi pwede sa hs. Tulad ng pamimigay ng condom sa mga lalaki. Musta naman un,hehe. Courtesy of Tau Gamma Phi nga pala. Nagpamigay din sila ng folder na may nakalagay na "Today Iskolar, Tomorrow Inspiration" (bahala na kaung gumawa ng acronym,,haha). Speaking of Tau Gamma, ang cool ng performance nila. Nasa bandang dulo sila, pero masaya pa rin. Nabuhayan pa ako ng dugo kahit inaantok at nagugutom na ko. Lalo na nung kinanta ung "Super Bass". Taz nakakatawa din ung dance nila.Pangbading daw ba ang gawin.


Bawal sumali ang mga freshie sa frats and soros. Pagnahuli, suspension or expulsion ang katapat. Kaya ngayon, orgs muna kami. Barbarian ang tawag sayo pag wala kang org. Ang dami kong gustong salihan pero sabi nila baka mahirapan naman daw dahil freshie palang. Sabi nila isa muna daw pero siguro atleast 2 ang sasalihan ko. Para naman mafeel ko ang UP,,lol.


Nga pala, nung huli nagpaulan sila ng harina. Nagready na kami, nakapayong na nga weh. Kaso tinanggal ko na rin para naman hindi kj. Lol. Buti nalang white shirt ang naassign samin kaya di masyadong halata. :D


P.S. 7 na ko ng gabi nakauwi. ;)

No comments:

Post a Comment