Musta naman ako this week. Ang average na tulog ko ay tantananan... 4 hours. Lutang pa ko hanggang ngayon kaya di mo ako makakausap ng matino.
Sunday:
May practice kami sa SAMANA ng Monday kaya kailangang bumalik sa Pamp ng maaga. Kaso madaling araw na ko natulog dahil nag-internet pa ko.
Monday:
Practice hanggang 8 pm. Bought my new lenses. Nakatulog pa naman ng matino.
Tuesday-Wednesday
Half-day kami kaya naasikaso ko ung mga kailangan ko sa Pinoyfest. Sa sobrang lutang ko, nailock ko ung roommate ko sa loob ng room(srsly!),,whahehe. Sa hapon ginanap ung event. 1am na natapos pero 4pm ako nakauwi dahil sumama ko sa afterparty. Kumain lang kami sa Central Grill. Wooh! Libre naman weh. May kasamang konting shot. Pero 2 shot glass lang. Ang sarap kasi,,hehe. Kaso nung pauwi, sa ibang lupalop dumaan ung jip. Sa 7th street agad kmi napadpad. Eh puro 7th street pa naman ung mga kasama ko. Buti hinatid ako ni Yayow saka ni Marcee.
(Wed) Nakatulog ako ng mga 4 hours tapos pumasok na ko. Siyempre lutang na naman ako. Buti half-day ulit kami. Kaso bumalik ako sa school ng 4pm para sa Harry Potter quiz. Talo kami,,whahaha. Taz naisipan kong umuwi ng Cab, kaso 7:30pm pa ko nakasakay ng bus. Buti naabutan ko ung last trip.
Pagdating ko sa bahay, internet hanggang madaling-araw.
Thursday:
1am-4am ang tulog ko. Alis kasi kaming maaga dahil ihahatid si ate sa airport. Umabsent nga pala ko,,whahaha.
Friday:
Sleeptime: 1am-5am. Hindi ako nakaabot sa first subject kaya nung hapon nalang ako pumasok. Niloloko ko, sabi may hung-over pa daw ako. "Party girl" nga tawag sakin weh.haha. Pati suot ko napansin, pangparty daw,,lol.
Dahil baliw na ang body clock ko, nakatulog ako hanggang 11pm. Siyempre nagising nako ng madaling araw. Taz natulog ulit. (Anu raw??).
Saturday:
Ngayon yan. Kailangan ko ng matulog kaso gusto ko pang mag-internet. Lumililipad na nga utak ko weh. Sige goodnight na nga! XD
P.S. Pakiramdam ko sa bus na ko nakatira.Char!
No comments:
Post a Comment