"Befriend your fears one step at a time.."The people who know me, know that I'm afraid of public speaking.*Nosebleed na*
Lahat ng nakakakilala sakin, alam na hindi ako sanay magsalita sa public. Ayoko ng mga oral reports, o ung mga bagay na kailangan kong humarap sa audience. Kaya naman sobrang saya ko ng nakaraos na ko sa pagrereport sa SocSci2. About siya sa mga philosophers so kailangan mong ipaliwanag ung ideas nila and iconnect sa life nila. Bakit nila na formulate ung mga ganung theory, chorva chorva. Basta. Grabe kasi, ang tagal kong pinag-iisipan kung pano gawin ang ppt nun. Pinagpupuyatan ko kahit wala naman akong nadadagdag. So un. Nakatuwa lang na naappreciate ni maam ung report ko. Well, siguro nga good mood siya nun. Pero kasi, iba pa rin ung sabihan ka niya ng "very good" with matching palakpak. Nakakatouch. Akala ko pa naman magigisa ko. Super kaba ko habang nagdidiscuss. Natuyo pa ung laway ko dahil nakatapat ako sa aircon! haha. Pero un nga, naprove ko na ung mga bagay na hindi mo ineexpect na kaya mo, keri lang din pala basta nagtatrust ka sa sarili mo.
Sunday, February 19, 2012
Befriend your FEAR
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment