Thursday, March 1, 2012

What to do? What to do?


Why do I find it hard to say 'NO'?  Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Nabuksan na naman siya. Bakit?! Bakit ba hindi ako makatanggi ng diretso? Lagi nalang 'susubukan ko'..

 Marami narin akong desisyon na nagawa na pinagsisihan ko. Minsan may nagtanong sakin  kung bakit ko ginawa 'yon o kung bakit ako pumayag. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bakit nga ba ako pumayag? Siguro, naaawa ako. Hayy. Ewan. Depende sa sitwasyon. Tinanong niya ko ulet, "Hindi ka makatanggi noh?". Napatango nalang ako. .

Bakit nga ba? Bakit nga ba ganito 'ko? Hindi lang siya dahil gusto kong magconform ehh. Iba. Iba ang pakiramdam. Siguro ayokong may taong nalulungkot o narereject kapag tumanggi ako sa isang bagay. I'm not referring to mundane things like food, alcohol, etc. Mas malalim dun ang mga tinutukoy kong bagay. Pero i-clarify ko lang, marunong naman akong pumili kung ano ang dapat tanggihan. Lalo na ung mga bagay na makakasama sakin. Kaso pa’no naman ung mga bagay na neuutral lang o parehas ang epekto? Parehas na mabuti at masama? Yan ang mga bagay na hirap akong tanggihan. Nakakainis lang kasi nagiging weakness ko siya to the point na nagcocommit ako sa isang bagay kahit wala naman ung puso ko din. Aahayy! Ewan!

No comments:

Post a Comment