Thursday, March 1, 2012

Thanatophobia


Lahat ng tao may Thanatophobia—fear of death. More likely kasi hindi natin alam kung ano nga ba ang totoong nangyayari pagkataos mong mamatay. Totoo bang may impyerno at pugatoryo? Nagsstay pa ba dito ang mga kaluluwa? Eto ang maituturing na pinakamahirap malaman na tanong. Kase haler, hindi naman pwedeng mamatay ka ng ilang buwan tapos ikwento mo ung mga nangyari sayo nun( unless may magic ka, harhar).

So bakit nga ba ako nagbablog about death? Pakiramdam ko kasi maaga kong mamamatay. Wag naman po sana. Nung una, ayoko pang mag-post ng ganito. Baka nga kasi, akalain ehh ready na kong mamatay. Far from it. Takot na takot nga eh. Pero mas ok ng ready. At least nakaready ‘to. Chos!

O basta, ganito ang mga gusto ko sana:

Sa estado ko ngayon:
·         Syempre, ipaalam sa mga kaibigan ko ung pagkamatay. (ayokong maglagay ng ‘ko’)
Lalo na ung mga nasa chat box ko sa FB. Ung parang ‘favorites’ .
·         As of now, ok na sakin ung pinakamurang kabaong.
·         Sa burol, gusto ko ung mga favorite kong kanta, ipatugtog. Pero wag naman ung rock. Baka iba sabihin nung mga bisita. Marami namang emo sa playlist ko sa phone at netbook.
·         Ayun, ung gadgets ko, wag nyung itatapon. Gamitin niyo. Wag kayong mag-alala, hindi ako magagalit unless masira niyo. Whahaha.
·         Ung mga damit ko,,ahmmm,, pamigay nalang.
·         Pabuksan ung FB ko, ung password niya nasa YMail ko.
·         Pabaon ng chocolate. :D. Isang Snickers lang, solb na. XD
·         Ung make-up sakin, gusto ko pang prom/party, hehe
·         Sa suot, white dress. Taz palagay ng sablay na parang sa UP. :D

Pag mayaman na ko:
·         Halos ganun pa rin, pero gusto ko maganda naman ung kabaong.
·         May chocolate fountain sa kainan.
·         Sagot ang pamasahe ng mga kaibigan ko na malalayo. J

Langya. Parang party lang ahh. Hops na nga. Nakakatakot. God, hindi pa po ako ready wah. Labyou! :D 

No comments:

Post a Comment