Tuesday, September 11, 2012

Today, I failed an exam. Tumataginting na "5"ang score ko. Un pa naman amg basehan kung papasa o babagsak ka sa subject.Buti nalang G.E (General Education) course lang siya at hindi major. Hindi naman daw madedelay kaso andaming problema na pumapasok sa isip ko. Gusto kong umiyak ng umiyak pero ba't naman ako iiyak? Naiiyak ba ko dahil bumagsak ako o dahil alam ko na kahit bumagsak ako, wala pa ring epekto sakin un? Ung tipong hindi pa rn ako sisipaging mag-aral. Pero siguro kaya ako nalulungkot ay dahil wala man lang akong nagawa. Hinayaan ko lang na "i-drop" ko daw ang Comm2 dahil sabi ni Maam (na sinabi din naman niya sa iba). Pero iba kasi ung sakin eh, "5". Sa kanila "4" pa. Gago ko kasi, di ko sinagutan ung outline. Malay ko bang mataas epekto nun. Oh di sana, tuluy-tuloy lang ako. May pakonsuelo naman si Maam. Sabi niya magaling daw ako sa Oral Comm pero bakit daw pagdating sa paper ko, nagkaganun. Ang ironic lang kasi ang ineexpect ko, mas okay ako sa English writing kaysa speaking. Haler, mas okay kaya sa written exams kesa recitations. Taz nagbablog pa ko. Maybe I should blog in English. <-- Trial lang. Di ko talaga keri. Pero siguro, gaya ng sinabi ko dati, nahihirapan akong ilabas kung ano talaga ang gusto kong sabihin. The heck. taz in English pa. Haay. And I thought na magaling na ko.
Feeling ko nga kaya ako nagkakaganito ay dahil sa pride. Ung feeling na ang kampante ko taz biglang *boom* bagsak. Nakakalungkot lang. At nag-aalala rin pala ko sa sasabihin ng tao. Feeling ko ang baba na ng tingin nila sakin. Taz next sem, baka di ko pa makuha ung Comm3. Oral speaking. Un pa naman ang gusto kong matutunan. Pero may narealize din ako. Ang goal na nakatatak sa isip ko ay pumasa at makagraduate on time.  Akala ko basta mapasa ko lahat ng subjects, ok na. Hindi ko na-prioritize ang matuto, na siya namang essence ng pagpasok ko sa eskwelahan. Masyado kong concern sa iisipin ng ibang tao. Natatakot akong madelay kasi baka sabihin nila ang tanga-tanga ko. Hayy Ewan! Bahala na..

No comments:

Post a Comment