Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Thursday, April 28, 2011

My Stay in Pangasinan

Masaya naman ang isang linggo kong stay dun. In fact, namimiss ko na nga,,haha.
As usual,  may "silent war" na naman kami ng isa kong pinsan pero all-in-all super saya ng trip.


April 19, 2011
Nagpunta kami ng Bani Pangasinan. Panata na nila yon na every Holy Week, punta kami dun. Nagmisa muna taz kumain muna kami. May Abs-cbn pa nga,,whahaha. Tapos, umakyat namin ung Stations of the Cross. Gumana na naman ang Acrophobia ko (haha). Halos gumapang ako sa hagdan sa sobrang tarik. Taz ang dami pang tao. At dahil sa sobrang init, lechon na naman kami. Pagdating sa taas, picture taking na all the way pababa. Luckily, may isang way pa na pababa na hindi ganun katarik. Di na kasi kami sinundo ng sasakyan kasi baka masira pa lalo.


April 23, 2011
Pumunta naman kaming La Union para magswimming sa Kultura. 1 oras kaming naghihintay (no exaggeration) pero naubusan parin kami ng cottage. Anyway, enjoy pa rin.
Ung sa slide, di naman nakakatakot. Ung isa sa sobrang bagal, kailangan mo talagang itulak ung sarili mo. Taz ung isang paikot , parang ung sa Almon's lang. Kaso paisa-isa lang kaya walang thrill. Ang pinakanakakatakot, ung pinakamababa. Kasi straight lang siya na matarik. Nakaka "mukhasim" kasi mauubusan ka ng hininga kahit pilitin mo.
Taz isa pang masaya eh ung Wave Pool. 5 sessions out of 6 lang ung napuntahan ko. Every hour siya binubuksan for 5-10(?) minutes. Di siya ganun kaenjoy unless nasa harap ka. Kaya nung 3rd session, pumunta na kami sa harap ni ate,haha. Ang cute ng wave niya kasi minsan sa dalawang gilid galing kaya para kang tinatapon. Pero mas masaya parin ung sa Eight Waves. Taz kusa kang iaangat ng tubig kaya alam mo kung kailan ka dapat tumalon. Meron nga lang mga OA dun na lalaki kaya nawalan na kami ng gana sa huli,,lol. Nakikipagtulakan kami dun, haha.
(L-R) Ate, Jien, aketch 


Ako yun,,haha Muntanga
Emo-ness overlooking the slides
Mural sa harap ng CR
Nung pauwi na XD
(L-R) Lykz, Jien, Aketch, Ate, E.G.
Super pagod ng nakauwi na..

Sunday, February 6, 2011

I Have A Very Cool Mom

Ala lang. Share ko lang.

Kanina (Actually, naun lang)  habang kumakain ako, usapan namin ni mame:
*may nagtext kay mame*
M: Tignan mu nga un. Baka ung ate mo yun.
Ako: Si mame oh.. Kumakain ako weh.
M: Sige, wag na pala.
A: Baligtad ka Me. Ung iba bawal magtext pag kumakain taz ikaw pinagtetext mo ko.,,
M: hehe

Taz dati naman ganito:
Ako: Me, punta kami cultural night ng nehs.
M: Sige. May pera ka? Eto oh.
Ako: Wag na. Kasama ko sila ____________.
(After nun, pagkauwi)
Ako: Ililibre ako ni insan ng 3 issue ng candymag. Pag sumama daw kasi ako un ung suhol niya sakin,,whahehe.
M: Ikaw naman, masyado ka. Tama lang un na naglalalabas ka. Baka hindi mo na alam ung mga nangyayari sa  envirinment mu.
Ako: Environment buh?. Wah! Nosebleed.lol

Taz pag may pupuntahan:
M: May pera ka?
A: Eh, meron naman.
M: Oh idagdag mo to baka kulangin ka.
A: Wag na
M: Yaan mo na. Ipunin mo nalang
Ako: *smiles* Thank you.


Taz sa damit din. Sinabihan ba naman ako ng manang,,hehe
Ung pinsan ko nga daw kung makasuot ng damit sobra, ba't ako parang manang.
Di naman ung manang na pangit and todo cover ung suot. Ala lang, ung appropriate naman kasi. Like sa church, di pwede shorts or sleeveless ganun.
Pag nasa bahay kasi kami, nakasleeveless minsan si mame, taz reaksyon ko:
Ako: Ang tanda-tanda mo na Me, nagsusuot ka pa ng sleeveless.
M: Ano naman, bahay lang naman. Manang!! ^_^


----> Kaya nga pala ko sinuhulan ng pinsan ko ng Candymag, kasi pag di ako sumama, di sila papayagan. Sakin kasi nagtitiwala ung mga tita ko. Naks! Good girl kuno kasi ako.,,whahaha. Pinalitan ko rin naman un. Nilibre ko nalang ung pinsan ko ng GJ. Kaya qwitz lang,,hehe.

^_^