Showing posts with label trip. Show all posts
Showing posts with label trip. Show all posts

Tuesday, May 3, 2011

The Case of The Laughing Man

Kagagaling ko lang ng CLSU. Kasama ko si Tunini kanina. Wooh! Kapagod pero enjoy. Muntanga si manong cwf300 kanina. Kung makatawa akala mo sinasaniban. At take note, wala siyang kausap nun, whahaha. Nasakyan ko na rin siya dati. Galing din ng CLSU, nung entrance exam. AT sa harap pa ko nakaupo,,lol. Creepy eh? 
Anyway, swerte ako ngayong araw na'to kaya nasipag akong magblog kaagad pag-uwi.

  • Nung maga, sumabay ako sa tita ko papuntang bayan. Nalibre ako ng pangtricycle
  • Sumabay din ako papuntang CLSU, nalibre ulet ako
  • Nilibre ako ni Tiny ng lunch
  • Binigyan rin ako ni Tunini ng Gift!! :D 
  • Pagdating ko sa Melanios, dumating din ung isang tita ko. Kaya sa kanila na 'ko sumabay. Di na ko naghintay. XD
  • Pag-uwi ko, may letter sa higaan ko. Galing sa AMA. Nagtext na sila sakin ng 2 beses taz ngayon nagpadala sila ng letter. Wala lang, ang sarap pala ng feeling ng ganun. Kasi di naman kami nagtake dun. Pero baka lahat kami binigyan din. Sayang nga lang kasi di ko na maaccept ung offer.
  • Nagmessage sakin sa Twitter ung isa sa fave bloggers ko.
That's all! And I'm totally pigging out right now.

Thursday, April 28, 2011

My Stay in Pangasinan

Masaya naman ang isang linggo kong stay dun. In fact, namimiss ko na nga,,haha.
As usual,  may "silent war" na naman kami ng isa kong pinsan pero all-in-all super saya ng trip.


April 19, 2011
Nagpunta kami ng Bani Pangasinan. Panata na nila yon na every Holy Week, punta kami dun. Nagmisa muna taz kumain muna kami. May Abs-cbn pa nga,,whahaha. Tapos, umakyat namin ung Stations of the Cross. Gumana na naman ang Acrophobia ko (haha). Halos gumapang ako sa hagdan sa sobrang tarik. Taz ang dami pang tao. At dahil sa sobrang init, lechon na naman kami. Pagdating sa taas, picture taking na all the way pababa. Luckily, may isang way pa na pababa na hindi ganun katarik. Di na kasi kami sinundo ng sasakyan kasi baka masira pa lalo.


April 23, 2011
Pumunta naman kaming La Union para magswimming sa Kultura. 1 oras kaming naghihintay (no exaggeration) pero naubusan parin kami ng cottage. Anyway, enjoy pa rin.
Ung sa slide, di naman nakakatakot. Ung isa sa sobrang bagal, kailangan mo talagang itulak ung sarili mo. Taz ung isang paikot , parang ung sa Almon's lang. Kaso paisa-isa lang kaya walang thrill. Ang pinakanakakatakot, ung pinakamababa. Kasi straight lang siya na matarik. Nakaka "mukhasim" kasi mauubusan ka ng hininga kahit pilitin mo.
Taz isa pang masaya eh ung Wave Pool. 5 sessions out of 6 lang ung napuntahan ko. Every hour siya binubuksan for 5-10(?) minutes. Di siya ganun kaenjoy unless nasa harap ka. Kaya nung 3rd session, pumunta na kami sa harap ni ate,haha. Ang cute ng wave niya kasi minsan sa dalawang gilid galing kaya para kang tinatapon. Pero mas masaya parin ung sa Eight Waves. Taz kusa kang iaangat ng tubig kaya alam mo kung kailan ka dapat tumalon. Meron nga lang mga OA dun na lalaki kaya nawalan na kami ng gana sa huli,,lol. Nakikipagtulakan kami dun, haha.
(L-R) Ate, Jien, aketch 


Ako yun,,haha Muntanga
Emo-ness overlooking the slides
Mural sa harap ng CR
Nung pauwi na XD
(L-R) Lykz, Jien, Aketch, Ate, E.G.
Super pagod ng nakauwi na..

Saturday, April 9, 2011

Kultura Resort


wavepool
wavepool
Have fun with the different patterns of waves at our amazing Wave Pool
lappool
lappool
Learn how to swim in our lapping pool
dolphinpool
dolphinpool
Swim to your heart's content in our uniquely-designed Dolphin Pools
giantslides
giantslides
Be thrilled with our heart pounding giant slides



waterfactory
WaterFactory2
Be a child again with your family at the water factory
I wanna go here!!!!!
Plano nila (NILA...haha) na magpunta dito sa Holy Week daw. Kaso pagnagpaplano sila, kadalasan di naman natutuloy. Kaya  sana matuloy naman ngayon. Sana.

Friday, March 25, 2011

Super Fun and Thrilling Day

Woohoo!! Ang saya ko ngayon,hehe. First time kong byumahe ng papunta saka pauwing Manila ng mag-isa. Buti nalang nung nandun ako, sinamahan ako ni ate.
Kinuha na namin ung medical certificate ko sa UPD. Umpisahan ko sa simula,hehe.


Mga 5:30 nakasakay na ko sa crossing ng bus. Taz on the way, hindi ako natulog. Medyo paranoid kasi ako sa katabi ko. Mabuti na ring nag-iingat,hihi. Nung nnakarating na ko sa babaan ng SM North Edsa, may sinundan lang akong lalaki. Nun pala, hinihintay na ko ni ate sa babaan nun. Eh dumiretso pa ko. Buti nalang may load ako. Taz tumawid na kami sa overpass papuntang The Block. Dun kasi may sakayan na straight papuntang UP.
Naikot ko na ang UP,hehe. Panu kaya't toki yata ung nasakyan namin, eh sa Infirmary lang kami. Nakita ko na rin ang sunken garden. Nakalubog nga talaga siya. Ang cute. :D
Nung pagdating namin sa Infirmary, tumuloy na kami sa X-ray CR. As in comfort room,haha. Tapos nung kinuha namin ung result nung x-ray, mabilis lang din. Nakasabay ko ulet ung kasabay ko nung tuesday. Kala ko ako lang naghintay ng 3 days. Taz tumuloy na kami sa Records saka pinapunta kami sa Triage. Tinignan lang nila ung form taz pinapunta uli kami sa Room 10. Chineck-up na ko dun. Taz ang findings: MEDYO overweight daw ako!!! Tawa ng tawa ung kapatid ko, bwiset,  lol. Overweight ako para sa height ko. So either maliit ako or mataba lang talaga ko (ayaw talang pumayag na mataba,hihi). 4 kilos ang dapat mabawas sakin para maging normal ung BMI ko. After nun, pumunta naman kami sa PHU yata un, basta ung katapat na pinto. Tinignan lang nila ung results taz binigyan ako ng green form. Pinaiwan na rin dun ung medical questionnaire o kung ano mang tawag sa form na un. Wala pa kaming 1 oras, tapos na.. XD


Tinanong naman ako ni ate kung san ko gustong maglibot. Sabi ko MOA, sabi niya kain muna kami ng Trinoma. Nung pasakay na kami ng jeep papuntang SM North, sabi ko maghanap ng jeep na may green na bubong. Eh sakto may dumaan na jeep na ganun, kaso walang nakalagay na SM North. Kaya ayun nagdalawang sakay kami. Pagkababa namin sa Philcoa, sakay ulit papuntang Trinoma.
Pagdating sa Trinoma, ayoko ng umalis,hehe. Nakita ko kasi ung Landmark. Un pa naman ang isa sa pinapangarap kong puntahan. Mura kasi pero magaganda (courtesy of Candymag :>). Aun kumain muna kami at...nakakain na ko ng FROYO,,hihi. Frozen Yogurt. Lasa siyang,well, yogurt,,hehe. Ang consistency niya parang ice cream. Part yogurt-part ice cream. Di siya ganung kaasim pero maasim pa din (anu raw??). Ang pinili kong topping, brownies nalang. Taz un gala mode na.
After namin maggala, punta na kami sa terminal. At guess what? Pinasakay ako ni ate sa MRT!! First time ko rin,,whahehehe. Tao na ko. Para daw maranasan ko naman un.
Naglakad kami papuntang terminal ng 5 star. Pawis na pawis ako sa sobrang init. As in sobrang haggard na ko nung pagsakay ko.
Taz un, nakarating na ko sa Melanios. At tumawid ulit ako ng bonggang-bongga. Sa isip-isip ko "God, gusto ko pang makagraduate. Please, tulungan Niyo po ako" wuhahahaha.
Geh un lang ulit. Ciao na!! ^_^


--A

Wednesday, March 16, 2011

CAT Educational Tour 2011

Nagpunta kami kaninang Fort Magsaysay. First time kong makapunta dun,,hehe. Grabe, ang ganda. Taz napakaluwang.
Nagpunta kami sa Aquino-Diokno Memorial. Nilibot namin ung place kung san nakulong si Ninoy saka si Diokno. May wax figure pa nga sila.
Tapos naghanda ung mga estudyanteng sundalo ng presentation ng Artillery. May mga canyon pa nga weh. Grabe, napakadaming ginagawa. Kahapon lang daw nagpractice un wah. May paikot-ikot pa sila. Ang galing, nakakabilib. Para tuloy gusto ko ng magsundalo. I kid :D. Ang hirap pala ng ginagawa nila. Alam ko na dating mahirap pero iba pa rin ung makita mo ng personal. Nakabilad pa sila sa araw.
After nun, punta naman kami sa Grandstand nila. Tapos nag Infantry Rifle Squad demo naman sila. Mas praktisado sila pero parehas lang din na magaling. Pinakita nila kung panu ung movements as a group pag may kalaban. May kalaban echos pa sila.
Pagkatapos nun, punta na kami sa Pahingahan Dam nila. Ang laki saka ang ganda. Meron silang hall dun taz pababa may kubo. Ang ganda ng view, grabeh. Sosyalen,,hehe. Taz ayun,picture taking kami ni Jebz. Di nga lang ako nakapagpapicture sa may puno kasi takot akong bumaba. Napatunayan ko na na may acrophobia nga ako,,lol.
Tapos (puro nalang 'tapos' ang nasa blog ko,,hehe), uwian na!!! Aww...
Geh,, un lang ulet..lol
--A

Saturday, February 5, 2011

Escapades in Tarlac

Nahuhuli na ko sa pagbablog. Kasi naman, di ako makasingit sa computer.


Nwayz, this blog was intended to be published on Feb. 03,2011, but dueto some unavoidable circumstances (katamaran, di makasingit, etc...)
it was published on the date above (o kung nasan man siya).


So, tungkol 'to, as titled above, sa aming escapade sa Tarlac. Sinama ko saka ung pinsan ko ni mommy sa trip nila sa Tarlac. Kasama ung mga kasamahan niya. naghintay kami sa RTC. 11 kami lahat plus ung driver, bale 12.


First stop namin, dun sa Sta. Ignacia yata yun. Pupuntahan namin dapat ung dating judge nila. Aii, before pa pala nun, kumain muna kami. Nagamit ko na rin sa wakas ung coupon ko sa Mcdo...hehe. Tagal nilang kumakatok sa gate, alang nagbubukas. Nun pala, nasa Australia na ung judge nila dati. Ang nakausap nalang nila ung caretaker saka ung kapatid nung judge. Taz kaming mga bagets, nasa van lang. Tatlo lang kaming bata (weh?). Ako, ung pinsan ko, saka ung isang anak ng kasamahan ni mame. Tawanan lang kami kasi kakaibang tumawa ung driver. Sabi nga nung anak nung kasamahan ni mame (I refrain from using names), tawang dimonyo daw., nyahaha


Next stop, SM Tarlac!!


Nagulat ako sa SM Tarlac. Kaporma, sarap magshopping. Kung may pera lang ako nun oh, daming mabibili. Ang mura nung mga tinda nila. Lalo na ung sa department store. Sa lahat ng Sm naman ganun kaso mas kita mo ung sa Tarlac kasi medyo maliit siya (para sakin). Lalo na kung icocompare mu sa Moa (naman!). Nakabili namn ako ng pouch na pangprom, hehe. Tapos bumili nalang ako ng poporn, pasalubong sana kay sangko. Kaso nga lang ako yata ang makakaubos. :>


 My favorite brand of popcorn, EVER!! ^_^

Nag-uusap pa kami ng pinsan ko, naghahanap kasi kami ng pwedeng ipampasalubong. Kahit nga Chef Tony's or Brownies unlimited ok lang. Kala namin wala, buti nalang napansin ko,hehe.


 Ala na yata siya ngayon,,hehe


Picture namin. . . Nandyan din ung isang classmate ko.
Nagkita pa kami jan,,hehe,, pareho kaming hindi umattend sa testing nung device namin.

Anyweiiizz, pagkatapos nun, nag go-kart kami!! Ung next post, dedicated dun,,lol.
Tapos punta kami sa Isdaan (Punta lang wah). Picture taking pero nung oorder na kami, musta naman pala ang price. P6000 for 10 persons!! Daig pa Rustica. Kaya nag Chowking nalang kami,,hehe.

Taz pagkatapos nun, uwian na,,lol