Saturday, February 26, 2011

Day 03 on BC 2,3,4

BC #2
A song that remind you of one/both of your parents
Can't Be With You Tonight. Eto ung madalas kasi nilang kantahin sa videoke. Nice noh? Ang meaning talaga eh pang kabet,,hehe. Not that na may iba sila. Catchy lang siguro talaga ung tune. Pag si mame lang, Skyline Pigeon naman.


BC #3
Your day in great detail


Late ko na to sinagutan. Pang 5th day na, kaya medyo may nakalimutan siguro ko.
Pagkagising ko, ala-sais na. Kaya hindi na ko nakasabay sa pinsan ko. Aun, gumayak na ko, tapos pumasok na. Sakto naman habang papalapit ako sa gate may jeep. Aww. Napilitan tuloy ako. Ung mabait na driver ung nasakyan ko. Ngayon kok lang ulit siya nakita(Monday). Pagdating ko sa school, ala pa naman si sir.
Habang nagdidiscuss si sir, gumagawa ako ng flashcards ng defense namin. 9:3o kasi ung defense namin. Bago magdefense, pinabili muna kami ng token para sa panel. Medyo, nabadtrip ako kasi AKO na naman. Nung nagstart na ung defense. Medyo kinabahan ako kasi di talaga ko sanay magsalita sa harap. Laging bumibilis ang pagsasalita ko. Pero ok naman. Tapos, ung first and last na nagdiscuss, sobrang hina ng boses. Sabi nga ni sir, sobrang nahihiya. Pero ung isa talaga, ang galing. Pwede siyang maging teacher taz ang bait pa niya. Wala namang comment saming dalawa, (ako saka si leader), si sir. Nung tanungan na, sumasagot naman ako. Ako pa nga naluluto weh,,whahaha., Napakadaming idadagdag sa thesis namin. Pagkatapos nun, ala ng klase. Kumain kami ng ice cream ni Iyee. Taz umuwi na ko, kasi wala rin naman sila Ju, ^_^.
Nung tanghali, pumasok ako, nagquiz kami sa MAPEH?.. Hala, nakalimutan ko na. Taz nagpunta na kong RTC. Punta kasi kaming sementeryo. Naghintay kami ng 'gang 5 kasi nagpagupit pa si ate.
Nung nasa sementeryo kaming tatlo, nagpicture taking kami,,hehe. Tapos, sandali lang kami. Nung lumabas nga kami, may dalawang tricycle na nag-abutan ng drugs. Kaya tumawag kaagad kami ng tricycle sa kanto. Tumuloy kami sa Mega. Taz sa Mega, may nakita ko. Naka all-black. Grabe, ang gwapo! Maputi na matangkad, na medyo mapayat sa may bandang Chowking. Sinundan ko ng ang tingin weh,,hehe. Taz kumain kami sa Greenwich. May libre pa nga na American Idol shirt. Kaso, dalawa lang ung design na pagpipilian. Nung tinext ni mame ung tita saka pinsan  ko, sakto nasa Mega. Kaya pinapunta na rin namin. Tapos naglolokohan pa sila. Gwapo kasi ung isang crew. RJ yata daw ung pangalan. Niloloko nila si ate. Taz kami naman niloloko namin si tita saka si mame, baka sila ung may crush. Natapunan ko ng gravy si ate,hehe. Hindi masarap gravy dun.. Tapos, dumayo kami ng pinsan ko sa Jollibee, para mag-take-out ng food (ano pa ba,,hehe).Para lang akong nag-eendorse,lol. Nung pag-uwi namin, kumain ako ng balot. Taz may nakakadiring nangyari nung kumakain ako. Buti nalang malakas ang sikmura ko. Tuloy parin ako sa pagkain,hehe. Taz di na kami nag-dinner. Taz internet hanggang madaling-araw. Tapos tulugan na!! ^_^
BC #4
 If I were a day of the week, I would be _____ because…
If I were a day of the week, I would be Friday because it's the end of the weekdays!! But if I have to choose what I really like, it would be Thursday. I don't know exactly why. It just appeals to me more than any days of the week.

No comments:

Post a Comment