Saturday, February 26, 2011

Doodles!

So kailangan talaga every mid-morning ako nagbablog??lol. Anyway, bukas mamaya na ung handaan. First death anniversary kasi ni Dikong sa Monday, eh bukas nalang gaganapin ung handa. Para makapunta ung mga kamag-anak and katrabaho, etc.
Ba't nga ba ganun? Kailangan naghahanda sa death anniversary. Siguro para macelebrate mo ung mga memories nung buhay pa siya (parang mali ung sentence =>). Pero ano dapat mong sabihin? Malamang di naman siya Happy diba. Taz aang pangit naman pag Condolence kasi parang diba nga tapos na. Siguro it goes to show lang na kahit ung mere presence lang ng isang tao, ok na. Parang moral support.


Defense na pala namin sa Monday. Hayyyyy.... Buti nalang ung gusto kong part ang napunta sa'kin. Kasi nagbunutan kami. Tapos may not-so-secret secret ako,,hehe. Nakita ko kasi kung pa'no binalot ung #2. Un ung part na gusto kong idiscuss. Nakita ung pagkatupi niya walang ano sa dulo, ung pagpinunit ung papel. Kaya nung bumunot ako, una kong nahawakan meron. Taz sunud-sunod kasi un kaya kailangan mabilis. Sakto naman naFEEL ko ung #2,,lol. Kaya ayun, happy ako. Sama-sama kasi ung gusto kong mga part. Medyo madali kasi siyang idiscuss. Hindi naman madali, pero madami kang pwedeng idagdag. Mas matagal ang exposure mo,hehe.


Nga pala, may crotch pants na 'ko. Courtesy of ate. Akala ko dati harem pants din siya. Nun pala ung harem sa bandang baba siya maluwang tapos ung crotch sa taas. Ewan ko lang ha. Observation (naks!) ko lang un.,


Geh,Next post na,,hehe.


-A

No comments:

Post a Comment