Wednesday, March 23, 2011

UP PE part 1

Kahapon nagpunta kaming UP Diliman para magpa physical exam. Required kasi ang mga freshmen na magpamedical.
Pumunta kami sa Infirmary ng UP. Di pa nga alam nung driver kung saan eh. Taz ang natatandaan ko lang Apacible St. siya malapit. Buti nalang tama rin. Nakita ko ung sign ng UPHS kaya dun na kami nagpababa. Tapos punta kami sa 'Records' taz tinanong namin dun ung procedures. Tinanong kung may x-ray na kong dala, kaso wala kaya magpa x-ray nalang daw ako dun. Punta kami sa X-ray room nila. Buti wala pang masyadong tao. 3 lang yata kami nung magpapa x-ray. Ako saka dalawang lalaki. Ako ung naunang i-x-ray, kaso nga lang nauna pang matapos ung 2,hehe. Pano kaya't nagbihis pa ko. Disadvantage sa mga girls un,lol.
Sunod, magpapadental naman. Mabilis lang naman siyang natapos. Tinawag lang ung pangalan taz pinapila. Ang pinagtataka ko lang, ba't ang bilis matapos. Wish ko na sana malinis naman ung pinang check sa bunganga (over!) ko. Arte much,hehe.
Tapos, nagpacheck lang ng height, weight, saka blodd pressure. Chineck din ung sa vision ko. Nakasalamin na nga ako malabo pa rin,hihi.
Balik na lang daw ako after 2 days para makuha na ung results nung x-ray. Taz saka palang ako magpapatriage.
Mababait naman ung mga nagtatrabaho dun. Nakikipagkwentuhan pa nga ung iba sakin. Meron din daw dun na estudyante na taga-cabanatuan. Hindi na daw umuuwi, dinadalaw nalang daw nung magulang. Taz Bautista yata ung surname niya. Nakalimutan ko na ung full name.
Paglabas namin, punta muna kami sa SC. Malapit siya sa may PNB. Wah, sinearch ko muna mga location nyan,haha. Bumili ng lanyard ung pinsan ko taz ako baller muna. Para pwedeng isuot kahit san :D. Bibili sana kong pampasalubong kaso baka magtampo naman ung iba. Mamumulubi naman ako pag binilan ko sila lahat,hehe.


Taz un, nagpunta na kaming SM North Edsa. Libot dun,libot jan. Sumakit tuloy ng paa ko.
Un lang. Tamad mode ulet ako. ^_^


--A

No comments:

Post a Comment