Sunday, September 25, 2011

Want!


My Obsession

credits to Sir Rhayan
Waah! Gusto kong makakita ng totoong panda! Makapunta ngang Beijing, chos!
Nung first week kasi ng classes, di ba magpapakilala. Taz sabi ko mahilig ako sa panda, eh di un ininggit ako ni sir sabi nakakita na daw siya for real ng panda.,whahehe.

I love my BLOCKMATES!

2nd day ng school. Bonding agad,,haha.


Teach me how to dougie

From L-R: Marcee, Kenji, Nella, Aketch
Taken at Intramuros, Manila. Nagfieldtrip nga pala kami dun.Haha. Separate post nalang if sinipag akong magblog.
Oo nga. Hindi lang pala HELL WEEK dito, HELL MONTH pa. At next next week na un.whahaha.
As in 3rd long exams saka Finals na.

Wah! Kailangan kong tumama sa Lotto.

Di naman ako tumataya.

Saturday, September 24, 2011

Naalala ko lang to

http://itsannegorospe.blogspot.com/2011/06/summer-bootcamp.html

soundtrip...

Napanood ko ulit ung CLTCL. Sobrang nakakakilig parin. Ang gwapo ni Mario Maurer eh!!
Ang gastos-gastos ko ngayong week. Lagi nalang akong nauubusan ng pera. At dahil pare-parehas kaming kinakapos(haha!), naisipan naming magpicnic. Well, not exactly picnik na may nakalatag na sapin saka maraming pagkain. More like, "de-lata picnic",haha. Nagbaon kami ng mga de-lata saka cup noodles taz share-share kami dun. Bumili nalang kami ng kanin sa canteen saka kami tumambay sa flints.


Bumida ung can opener ko na halos di namin magamit nunh una dahil hindi nga namin alam kung pano gamitin (anu raw?). Imbes kasi na pataas, pagilid ang bukas niya,whahaha.
Pero all-in-all super saya naman. Makitambay pa sandali si Sir nung kumakain kami. Taz mapapasarap ung kain mo kasi nga hati-hati kayo,hehe.
Sige ako na nga ang kinikilig. Kulit mo ah. Whahaha, inaway ung sarili.
Ung taong gusto mo pero nilalayuan mo paminsan-minsan. Ang sweet pala kapag sinabi niyang ikaw ung pinakamabait sa kanya. Ayiee! Kilig much daw.

"You can achieve SOMETHING by doing NOTHING."

Just go with the flow.

Friday, September 23, 2011

Masakit din pala pag kinwento sa'yo ng crush mo ung mga dating crush niya.

Ok na ok ka na sana eh. Kaso kailangan ko ung taong may backbone (anu raw?:p).
Kung gusto mong maging leader, kailangan matuto kang saluhin ang pagkakamali ng iba. Kahit hindi mo kasalanan, ikaw at ikaw parin ang masisisi.

"With great freedom, comes great responsibility."

"Ang bait ni God. Sobra."
"Bakit ang defensive ko sa t'wing may nagtatanong kung kami? Samantalang ako naman ang may gusto sa kanya. Haha, guilty much."

"Ung feeling na parang kayo, pero di kayo."

Di mo alam kung matutuwa ka ba o malulungkot e.
"Alam mo ung feeling na gusto mo ng idrop ung subject pero hindi pwede kase sobrang importante nun? Ganun ang pakiramdam ko ngayon."
UP ba't ka ba ganyan? Ang hirap-hirap mag-aral sayo.
Bakit ganun? Ung gusto mo, may gustong iba. Nakakainggit tuloy ung mga taong gusto nila ung isa't-isa pero nagkakahiyaan lang na mag-aminan.Minsan parang gusto mo nalang silang pagharapin at sabihing, "Mag-aminan na nga kayo." Haha. Bitter much daw ba.
F1: "Mahal ka niya, mahal mo siya. Ano pa bang hinihintay mo?"
F2: "Ayoko kasing mag- EXPECT, ayokong mag-ASSUME dahil ayokong MASAKTAN."

"Sometimes, we refuse to allow ourselves (to have) the things that will make us happy just to eliminate the possibility of being hurt.."

LDRs

Mahirap magkaroon ng long-distance relationship. Kahit sabihin pa natin na meron namang cellphone at internet, iba pa rin ung lagi kayong magkasama. Ung nakakausap mo siya palagi. Kasama mo sa mga simpleng moment. Nanjan sa tabi mo kung kailangan mo ng makakasama.
Pa'no kung malayo sa'yo ung taong yon? Di ba mahirap. Kasi kahit sabihin pa natin na mahal na mahal mo siya, di mo maiiwasang maghanap ng iba. When I say "iba", not necessarily bagong pagmamahal, PERO ganun ang kadalasang nangyayari. Eto ung taong may similarity sa mahal mo. Whether KAHAWIG niya, KABOSES niya, o KAUGALI niya. Pero etong taong 'to , makikita mo, nalalapitan at nahahawakan. Hindi tulad sa mahal mo na nasa malayo.
Human instinct na ang maghanap ng taong mag-aalaga satin. Kaya sa mga panahong malayo ang mahal natin, maghahanap at maghahanap tayo ng kapalit na pupuna sa pagkukulang na naiwan nila.
 Alam mo ung taong "flirt"? Siya un. Nakakilala na 'ko ng taong heartbreaker. Not that nasample-an ko. Nakita ko lang sa mga kilos niya. Ung tipong magpapapansin sayo, sweet-sweetan, the next moment di na mamamansin. Oh di ba, how nice? Ahh wait, natry na nga pala niya sakin ung flirting styles niya. Luckily, nabalaan na ko na flirt lang talaga siya kaya wa-efek na ung mga porma niya. Hindi ako bitter. Kasi in the first place, wala akong gusto sa kanya. Ang iniisip ko lang, pa'no naman  ung iba na hindi alam na ganyan ang ugali niya? Di ba ouch sa kanila un. Ang point ko dito, hindi porket kaya nating lokohin at paasahin ang iba, dapat na nating gawin. Kaw, ano sa tingin mo?
Naiinggit ako sa mga taong maganda na, matalino, mayaman at mabait pa. Haha. Super swerte kaya nila. Kainggit much. Sila na.

Thursday, September 22, 2011

Kanina nalate ako sa PE namin. Buti nalang swerte ko ngayong araw. Walang practical saka hindi nagrollcall ung teacher namin. Pasalamat din ako sa mga blockmates ko na nagsabing WALA daw absent,whahaha.