Tuesday, October 30, 2012

Blogging during wee hours is not a good idea XD

*It's 3AM, lutang na naman* *Doodle* Kung ano nalang maisip.
Malapit ng matapos ang sembreak ko. Waaaah! Mixed emotions. Parang gusto ko na ayoko pa. Wala pa kong nagagawang ganun kaproductive. Haayy!

Feeling ko parang hindi ako estudyante. Un bang parang pag tinignan ko ung mga pinaggagawa ko last sems ehh parang hindi ako nag-aaral. Ineexpect ko nun pagcollege parang todo review. Madaming binabasa. Laging may dalang libro. Naeexcite nga akong magcollege nun eh. Dahil gusto kong matry ung ganung buhay. Ung focus na focus ka sa acads mo. Pero ba't parang hindi naman. Ung tipong minsan nalang magreview. Kung may exam saka lang talaga mag-eefort. Ayoko na ng ganun. Gusto kong mag-aral. Kahit sabihin pang nerd ako, okay lang. Sa gusto ko ehh. Aaaaargh. Gusto ko na kapag inalala ko ang college ko, maiisip ko na worth it ang pag-aaral ko. Kasi ngayon, mas madalas akong maglibang kesa mag-aral. Kapitbahay mo ba naman ang SM ehh di ka matempt. Saka kung nasa apartment man ako, natutulog lang ako. Haaaaay. Gusto kong magbago. Gusto kong magsipag. Di ko alam exactly kung pano pero unti-unti. Baby steps. Gagawin ko to. Ayokong masayang lang ang pinaghihirapan ng pamilya ko sa pagpapaaral sakin. Saka 2nd year na ko. Sa 1st year, pwede pang idahilan na nag-aadjust eh. Pero ngayon. Syempre iba na. Tumatanda na ko. Sana nagmamature na rin ang outlook sa buhay. Kaya sige promise ko na from now on magbabago na ko. Mag-aaral ako. Kahit madaming distractions, tuloy pa rin.
Gagawin ko ang lahat para matupad lang to. At feeling ko mas magiging successful to kung may specific na goals akong gustong makuha.

Kahit mejo matataas 'tong mga gusto kong mangyari, sana magawa ko pa rin.

  • Wala dapat akong bagsak na subject. Kahit isa. Kahit sobrang hirap. Ipasa lahat. NO EXCEPTIONS.
  • Mag-advance study.
  • Magbasa. Kahit walang exam.
  • Mag-aral. Mag-aral. Mag-aral. Nagpunta ko sa Pampanga para mag-aral hindi para maglibot. Bonus nalang yon.
  • Masama sa President's list. *cross fingers* Sana nung 1st sem ko pa inisip to neh, mas madali.
Pano ko magagawa ung mga yan? Bahala na si Batman. Haha. Chos. Pero focus at time management lang ang kailangan. Dagdagan pa ng dedication. Sana after this sem, masabi ko na na naging meaningful naman ang pagstay ko sa Pamp. :))

No comments:

Post a Comment