Friday, February 11, 2011

Feb. ee-el-ee-vee-ee-en, 2010

So kanina gumawa kami lang kami ng thesis. Actually, hindi gumawa. Para lang kaming nanood ng music video. Pa'no kaya't ayaw nilang gumawa. Eh di naman ako makasingit sa computer kasi nga nanonood ng mga mv. Taz bukas pag wala ako, siyempre bababa lalo ang rating ko kahit ako na nga mag-i-start gumawa ng presentation namin.
Ang nakakainis lang kanina, maga palang nabadtrip na ko. Di naman masyado. Pero pano naman kasi nung nagpapirma kami sa teacher ng excuse letter, galit siya agad. Bakit daw kung kailan may pasok saka gumagawa. Tiniming na nga namin na walang klase eh taz FIRST TIME palang namin mag-excuse. Tapos magagalit siya. Samantalang ung iba (no offense) ilang beses na nagpa-excuse. Puro babae kasi kami. Eh hindi porket may gusto siya dun sa isang classmate ko, favorite na niya dapat ung group na yun.
Buti pa ung principal namin, hindi kami pinagalitan. Alam kasi nun na ngayon lang kami nag-excuse. Hmmp!! Bwisit na research yan!

Taz nung gagawa naman na kami ng thesis, tanung ako ng tanong kung asan ung guide sana. Taz ang reaksyon lang nung isa kong kagroup, wala lang, walang pakialam. Ok lang sana yun eh. Kaso nung ung isang classmate ko na ung nagtanong, todo concern naman siya. Parang di niya alam na tinanong ko na siya about dun. Taz eto pa, pag may naisip ako, siya magsasabi. Ang masama dun wala man lang akong nakukuhang credit dun. Un pa naman ung ayaw ko. Parang kahit sabihin mo lang na idea ng isang tao un, ok na. Hindi ung pabida ka. Tapos dahil nga wala ako bukas, ang reaksyon niya, para bang super tamad ko. Na wala akong nakocontribute. Samantalang kanina halos ako ung nagturo ng dapat i-revised. Hay!!!!!
Wala, di nalang ako nagrereact kanina. Hayaan mo sila kahit babaan nila ko. Lalo na ung isa na yun. Takot din ung ibang kagroup ko dun, dahil baka nga manlaglag siya. Ung babaan kami. If you're wondering kung sino man siya, sorry di ako magsasabi ng name. Pero may clue, maraming may ayaw sa kanya dahil sa sobrang pagkaperfectionist niya. Buti nga napagpapasensyahan ko pa siya eh.

Hay!! Sige,hopz na.
Ciao!!

-A

No comments:

Post a Comment