Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Thursday, April 7, 2011

SHOCCKKZZZZ!!

Ngayon ko palang narerealize na nakaGRADUATE na pala ko ng HIGHSCHOOL!!!
Shockz, ang saket. Masaya ko na nakatapos na kami pero pag naaalala mo ung mga memories, nakakalungkot. Taz marerealize mo na hindi mo na sila lahat makakasama. Kahit hindi ko sila lahat kaclose, lahat sila importante sakin. Kasi one way or another, napasaya nila ko. Kahit corny na joke man yan o kahit anong nonsense na pag-uusap, napangiti pa rin nila ko.
Kahapon, graduation namin. Pero parang ordinaryong araw lang. Di ko nafeel na pwedeng last na araw namin na Einstein un. Basta, iba talaga ung feeling.
:'D..

Wednesday, March 16, 2011

CAT Educational Tour 2011

Nagpunta kami kaninang Fort Magsaysay. First time kong makapunta dun,,hehe. Grabe, ang ganda. Taz napakaluwang.
Nagpunta kami sa Aquino-Diokno Memorial. Nilibot namin ung place kung san nakulong si Ninoy saka si Diokno. May wax figure pa nga sila.
Tapos naghanda ung mga estudyanteng sundalo ng presentation ng Artillery. May mga canyon pa nga weh. Grabe, napakadaming ginagawa. Kahapon lang daw nagpractice un wah. May paikot-ikot pa sila. Ang galing, nakakabilib. Para tuloy gusto ko ng magsundalo. I kid :D. Ang hirap pala ng ginagawa nila. Alam ko na dating mahirap pero iba pa rin ung makita mo ng personal. Nakabilad pa sila sa araw.
After nun, punta naman kami sa Grandstand nila. Tapos nag Infantry Rifle Squad demo naman sila. Mas praktisado sila pero parehas lang din na magaling. Pinakita nila kung panu ung movements as a group pag may kalaban. May kalaban echos pa sila.
Pagkatapos nun, punta na kami sa Pahingahan Dam nila. Ang laki saka ang ganda. Meron silang hall dun taz pababa may kubo. Ang ganda ng view, grabeh. Sosyalen,,hehe. Taz ayun,picture taking kami ni Jebz. Di nga lang ako nakapagpapicture sa may puno kasi takot akong bumaba. Napatunayan ko na na may acrophobia nga ako,,lol.
Tapos (puro nalang 'tapos' ang nasa blog ko,,hehe), uwian na!!! Aww...
Geh,, un lang ulet..lol
--A

Tuesday, February 8, 2011

Thesis!!

Naiinis na ko sa thesis namin. Nagpagawa kami  ng device. 1300 un. Kala ko naman ok na. Tapos biglang ngayon, babaguhin daw namin. Di na namin gagamitin un.
Sabi pa sa 'kin kanina, kung pwede daw ba kong gumawa ng tripod. Haler!! Smith ba ko. Tapos sabi ko pagawa nalang kami, sabi ba naman, pagawa daw ako. Sabi ko Magpagawa KAMI kasi alangan naman na ako lang ang gagastos. Ano sila swerte. Taz maya-maya, sabing ganun, kung magpapagawa daw mahal. Alam pala nilang mahal tapos ako lang ung gusto nilang gumastos! Kala mo namang kung sinong may nagagawa. Eh halos kami lang ung gumawa ng manuscript. Dapat sila na nga ung gumawa ng paraan eh. Taz sa ratings, panigurado ako pinakamababa. Samantalang ung isa dyan, wala namang matinong nagawa. Ni isang line yata sa proposal ala siyang nacontribute. Meron pala, nagtype ng related lit. na nakuha sa book. Palibhasa close sa leader.


Di naman ibababa ng rating nung leader ung friend niya, dahil nga FRIEND niya. Tas kaming tatlo na may nagagawa ganito: Ung isa mabait (sobra) kaya di nila bababaan; taz ung isa, un ung tinatanong nila, peero sa'kin rin naman nagtatanong ung isa na yun. Hay!! Buhay nga naman parang LIFE!! 
Nakakainis lang weh. Manong gumawa ng paraan hindi ung lagi nalang 'baguhin natin lahat,mali eh' dibuh?!?


Geh, un lang. Kakabadtrip eh. Sarili lang nila iniisip nila. 




-A

Monday, February 7, 2011

Not-so-private blog

Dapat pala ung isang blog ung nakaprivate, kasi madaling hulaan king sino. Luma na yun. Kaartehan ko lang. Siyempre may bago na. Kaso nawindang parin ako dun sa nabasa ni classmate I. Taz nakilala niya agad. Hayy! Wagas! hehe

Nag-f-fb lang ako naun. Ka Frintierville ko si Ma'am.lol

Sige may isa pa sana kong post. Actually, madami pa. As in last week pa. Di ko pa nagagawa. Wagas! hehe.

Binigay nga pala ung result ng NCAE kanina.
Reaksyon ko nung nakita ko: Sh*t! Sh*t!
Kahit nandun si sir sa likod ko. Pero pabulong lang naman,hehe

Nanghingi nga pala ko ng reward sa ate ko. Sige daw.Sabi ko kahit sagot na niya ung dress ko. Si mame naman sabi magcontacts nga daw ako.,whahaha., Problem Solved.. WAGAS!! ^_^

-A

Tuesday, February 1, 2011

School Entrance Exams

I'm planning to share my experiences on College Entrance Exams. But I'm still waiting for the CLSUCET results. Hope it goes well *crossfingers*.